1

APRIL 2022

Human Sloth

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Kata Inocencio & Written by Joshene Bersales

Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya.

1 Mga Taga-Corinto 15:58

Nakakita ka na ba ng sloth in real life? Kilala ang mga sloth sa kanilang mabagal na pagkilos. Bihira rin lang sila gumalaw. Mas gusto kasi nilang matulog at sumabit-sabit lang sa mga sanga ng puno. Minsan nga, nananatili pa rin silang nakasabit sa puno kahit patay na sila!

Para ka bang human sloth minsan? Tamad, walang ganang maglingkod sa Diyos at sa ibang tao. Gagawin lang ang isang bagay kung kailangan na talaga itong gawin, at minsan, half-hearted pa ang pagtapos nito.

Ang slothfulness ay higit sa simpleng pagiging tamad lamang. Pwedeng may kasama itong indifference sa mga nangyayari sa iyong paligid. O pwedeng pakiramdam mo’y hindi rin naman mag-i-improve ang sitwasyon kahit pa magsikap kang ayusin ito. Bakit ka pa magpapakahirap, right? Wala namang saysay may gawin ka man o wala.

Paano kaya kung tinamad si Jesus na bumaba sa mundo para iligtas tayo sa kasalanan? Paano kung naisip Niya, “Hindi rin naman magbabago ang mga tao. Masasayang lang ang sakripisyo Ko.”

Praise God at hindi tamad si Jesus! Kahit alam Niya na marami Siyang pagdadaanang hirap sa kamay ng Kanyang mga kaaway, nagkatawang-tao pa rin Siya at namatay sa krus to give us a chance na magkaroon ng buhay na walang hanggan. He obeyed His Father’s will kahit mahirap, at dahil dito, Siya ang naging natatanging tagapamagitan sa atin at sa Diyos (1 Timoteo 2:5).

Kapag nakakaramdam tayo ng katamaran sa paglilingkod, let’s be motivated by the fact na kahit si Jesus ay naglingkod din. Hindi Siya naging indifferent sa paghihirap ng mga tao. Hindi Siya nawalan ng pag-asa kahit na parang imposibleng mag-improve ang sitwasyon ng mundo. Let’s follow His example. Maging masipag tayo sa paglilingkod sa Diyos. Huwag tayong maging human sloth.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You for Your sacrifice. Forgive me for the times na tinatamad akong sumunod sa Inyo. Tulungan Ninyo akong maging masipag na tagapaglingkod Ninyo.

APPLICATION

Isulat sa iyong journal ang top 3 responsibilities na tamad na tamad kang gawin. Talk to Jesus about them, and ask Him to help you overcome your slothfulness.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 1 =