12

MAY 2021

Share with family and friends
Narrated by Camilla Kim-Galvez & Written by Deb Arquiza

Hindi maganda ang kanilang ulat tungkol sa lupaing pinasiyasat sa kanila. Ito ang sinabi nila, “Malalaking tao ang nakatira doon at sinumang magtangkang sumakop sa kanila ay lalamunin nila ¼ Mga tipaklong lamang kami kung ihahambing sa kanila.”

Mga Bilang 13:32-33

Kapansin-pansin na sa TV, radio, newspaper, at social media ay napakaraming masasamang balita. Every day, we are being exposed to so many bad news. At maaaring hindi tayo aware na dahil sa bad news ay nagiging very negative na rin tayo sa pagtingin natin sa buhay.

Sa tingin mo ba ay isa kang “nega” person? I mean, a negative person. Madalas ba ay puro bad reports ang lumalabas sa bibig mo? Alam mo ba na when we speak negatively, hindi lang tayo ang nagiging nega? Tuwing nagsasalita tayo ng negative, nagtatanim tayo ng takot, discouragement, worry, at marami pang negative thoughts at emotions sa mga taong nakakarinig sa atin. As a result, nakakahawa tayo ng ibang tao. It’s true. Negativity is contagious.

Ganito ang nangyari sa mga Israelite noong sila ay malapit nang pumasok sa lupang ipinangako ng Diyos sa kanila. Natakot silang pumasok sa Promised Land kahit na sinabi na ni Lord na kanila na ang Lupang Pangako. Bakit sila natakot pumasok? Dahil sa bad reports. Of the 12 spies na ipinadala ni Moses para i-survey ang Promised Land, may sampung nega ang nagsabing, “hindi natin kaya,” “maraming kalaban,” “maraming higante,” at “para lang tayong tipaklong kumpara sa kanila.” Naniwala naman ang Israel at natakot na rin maliban sa dalawang espiya na sina Joshua at Caleb. Kahit na good report ang dala nina Joshua at Caleb, mas tumatak sa isip ng Israelites ang bad report.

Sabi sa Ephesians 4:29, “Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo’y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig.” Imbes na bad report, good report ang ipamalita natin. Ipamalita natin ang Good News about Jesus—that Jesus saves, Jesus heals, Jesus delivers, and so much more! It’s about time people hear the Good News, and not bad news.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, tulungan Ninyo akong huwag maging negative. Sa halip, ang masabi ko lagi ay ang makakabuti at mapapakinabangan ng mga nakakapakinig. Turuan Ninyo  akong  maging effective na tagapaghatid ng inyong Mabuting Balita sa ibang tao. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Iwasang mag-react ng negative sa mga problema, mga balitang maririnig, at mga sitwasyong makikita. Declare this: “Hindi na ako magiging nega. I will spread good reports only!”

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 5 =