2

SEPTEMBER 2023

Huwag Manghinawa

by | 202309, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Timmy Yee

Thank you for always joining us for our daily devotion. Hindi na namin kayo paghihintayin pa. Simulan na natin ang ating maikling series na “Willing to Wait.”

Kay Yahweh tayo’y magtiwala! Manalig sa kanya at huwag manghinawa. Kay Yahweh tayo magtiwala!

Awit 27:14

Pagod ka na bang maghintay ng kasagutan sa iyong mga problema? Sawa ka na bang maghintay sa pagdating ng iyong inaasam na promotion? Minsan ang paghihintay ang pinakamahirap gawin, lalo na kung ilang beses ka nang umasa at na-disappoint matapos mong paghirapan ang isang inaasam na bagay or goal sa buhay. Maaaring ang hinihintay mo ay financial breakthrough, good health, o baka finally, ay love life. When you have waited for a long time, it’s easier to let go than to wait further and risk further disappointment.

Pero you know what? Sometimes, we can learn a lesson or two in waiting. Hindi lang natin napapansin na may itinuturo sa atin ang Panginoong Jesus during this time. Maybe waiting is part of a process of preparing you to handle bigger financial responsibilities. Baka naman ikasama mo ang biglang pagyaman, maging tukso ito, at mabitag ka sa pagkakasala. Habang naghihintay ka naman ng tamang karelasyon, maybe the Lord is preparing you to be the right person, or it could be the other way around. Whatever the reason is, if we are trusting in the Lord, even if the answer is wait, or no during this time, we can be confident that it is for our own good. Sabi nga ng sumulat ng Awit 27:14, manalig tayo sa Diyos at huwag tayong manghinawa. Makinig tayo sa itinuturo Niya sa atin at maganda ang ibubunga nito.

Sana ay hindi rin kayo manghihinawa sa pagsama sa amin araw-araw. Kita-kits tayo uli bukas para sa pagpapatuloy ng ating maikling series na “Willing to Wait”.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama namin sa langit, ako po ay nananalig na Kayo ang nakakaalam ng aking kalagayan. Ituro po Ninyo sa akin ang aking dapat matutunan sa panahon ng paghihintay. Ang nais po Ninyo ang mangyari at turuan Ninyo akong huwag mawalan ng pag-asa. Dalangin ko ito sa ngalan ng Inyong Anak na si Jesu-Cristo. Amen.

APPLICATION

Kung nasa panahon ka ng paghihintay, try to be positive and do something productive. Mag-isip ng konkreto at praktikal na bagay na magagawa mo sa linggong ito na may kinalaman sa iyong hinihintay.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 12 =