6

SEPTEMBER 2024

Huwag Mong Daanin sa Bandage!

by | 202409, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Honeylet Adajar-Velves

At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan, ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

Awit 147:3

Nadapa si Lester kaya agad niyang nilagyan ng bandage ang sugat sa tuhod para tumigil ang pagdurugo. Naging concerned ang mga kaibigan niya dahil hindi niya ito nilinis at nilagyan ng gamot bago lagyan ng bandage. Ayon kay Lester, ayos na ito tutal hindi na kita ang sugat at hindi na masakit.

Dumaan ang ilang linggo at mas makapal na ang bandage sa sugat niya pero tila may umaalingasaw na amoy galing dito. Hindi na rin maitago sa pagkilos niya ang kirot na dulot nito. Nang buksan nila ang bandage, tumambad ang mas malaki at mas lumalang sugat bunga nang hindi maayos na pagkakagamot nito.

Gaya ng sugat ni Lester, minsan nakakaroon tayo ng sugat sa puso na hindi natin masyadong pinagtutuunan ng pansin. Maaaring mga simpleng masakit na salita na narinig natin noong bata pa tayo, o kaya’y betrayal ng mahalagang tao sa buhay natin. Either bina-brush off na lang natin at hindi inaamin na nasaktan talaga tayo sa sitwasyon para maka-move on tayo. 

Pero gaya rin ng sugat ni Lester, aalingasaw ang baho ng nakaraan kapag hindi nagamot ang sugat na ito. Whenever we get offended or experience a painful situation, huwag tayong gumamit ng basta bandage lang. Puwede tayong lumapit sa ating all-powerful Doctor na si Jesus na nangakong lulunasan ang mga puso nating nawasak. In Him, we can always be honest about how we feel and rest assured that He understands and heals.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, narito po ang puso kong wasak. Hinihingi ko po ang grace Ninyo para harapin ang totoo kong nararamdaman. I am claiming Your complete healing of my past hurts and believe that I can move forward from this. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Kumuha ng band-aid and write these words on it, “Jesus is my healer.” May this be a good reminder that whatever wounds you had from the past, God is able to heal them all.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 15 =