22

MARCH 2024

Huwag Mong Isiping Ampon Ka Lang

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Alma S. de Guzman

… tayo’y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban.

Mga Taga-Efeso 1:5

Sa mga teleserye noon, nauso ang mga kuwento tungkol sa ampon. May eksena kung saan malalaman ng bida na hindi siya tunay na anak ng mga tinuring niyang magulang. Siya’y ipinaampon dahil walang kakayahan ang tunay niyang mga magulang na buhayin sya.

Pero paano kung ang kuwento sa teleserye ay naging totoo?

Ganyan ang nangyari sa buhay ni Ian. For thirty-seven years, he lived his life believing na tunay siyang anak ng nanay at tatay niya. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang, at walang kahit na anong bakas na siya’y ampon.

Hindi siya makapaniwala. Pakiramdam niya’y nawala ang kanyang personal identity. Maraming tanong sa isip niya at naisip niyang sana hindi na lang niya nalaman lalo’t masaya na siya buhay niya. Valid ang kanyang naramdaman, and his heart may take time to recover. Ngunit magkaganoon man, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang adoptive parents.

Para sa iba ang salitang ampon ay may negative na kahulugan, ngunit kung ating masusing pag-iisipan ang salitang ito ay maituturing na puno ng puso at pagmamahal. Sa likod ng bawat kuwentong ampon, nariyan ang kuwento ng mga magulang na malugod na piniling magmahal ng isang batang nangangailangan ng tunay na pag-aaruga.

Hindi ba’t masarap sa pakiramdam na ikaw ay pinili at minahal?

Sabi sa Ephesians 1:5, “tayo’y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban.” Sa mata ng ating Diyos Ama, tayo’y kanyang mga anak na pinili Niyang ampunin. Ang lahat ng tumanggap at sumampalataya kay Jesus ay binigyan Niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.

Lahat tayo’y tulad ni Ian na isang ampon, ngunit ang pagkatao natin ay buo dahil tayo’y pinili at iniligtas ng Panginoon. Kaya naman kung nanampalataya ka kay Jesus, huwag mong isiping ampon ka lang! We are God’s children, and that’s our identity.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, maraming salamat na ako’y pinili Mo. Thank You for giving me an identity and for calling me Your own. Pinupuri Kita at itinataas. In Jesus’ name I pray. Amen.

APPLICATION

Listen to “Hello, My Name Is” by Matthew West and sing along to the chorus part: “Hello, my name is child of the One true King…”

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 11 =