23
MARCH 2024
Naka-Mute Ka!
Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.
Mga Kawikaan 17:28
Naging mahalaga ang paggamit ng online meeting platforms like Zoom and MS Teams noong pandemic. Kabi-kabila ang virtual meetings from work to Bible study groups to family celebrations. Natuto tayong mag-adapt sa technology. At natutunan din natin ang mga saliltang, “Naka-mute ka!”
Ngayon na nasa post-pandemic era na tayo, agree ka ba na nandun pa rin ang relationship challenges natin? We may have online connections, but we are so disconnected. Tumaas ang awareness natin about mental health, but we don’t realize the power of words on our well-being.
Napakabilis nating magbitiw ng salitang nakakasakit sa damdamin ng iba. Sa tingin natin joke lang naman ‘yun, pero sa sinabihan natin, masakit ‘yun. Kung puwede ka lang sigurong i-mute ng kaibigan mo ay ginawa na niya. Hindi na tayo dapat magtaka kung bakit parang hindi ka na kinakausap ng iba nating kaibigan or na-unfollow ka na sa social media.
How would we feel if we were the recipients of hurtful words? Iisipin mo ba na sensitive ka lang o nagbibiro lang naman ang friend ko? But if you’ll admit it, those words hurt.
Kaya nga pinapaalala sa atin ng Mga Kawikaan 17:28 na matuto tayong itikom ang ating bibig dahil ito ay nagpapakita ng karunungan. Hindi naman kailangang patulan lahat ng mga opinyon at sinasabi ng mga tao. Kung wise ka, you’ll know when to speak up and when to keep quiet. When people criticize you, it’s not a reflection of who you are but who they are. Kapatid, let’s be wise and learn to mute ourselves.
LET’S PRAY
Lord, gusto kong maging kalugod-lugod sa Iyo ang mga salita ko. Pigilan Mo ang bibig ko at turuan Mo akong kumalma upang hindi ako makasakit ng iba. Amen.
APPLICATION
Check your heart before speaking to others. Are you speaking out of love or out of spite?