7

JULY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Prexy Calvario

Ang Diyos ay di sinungaling na tulad ng tao. Anumang sabihin niya’y kanyang gagawin, kung mangako man siya, ito’y kanyang tutuparin.

Mga Bilang 23:19

Hesitant ka bang mag-pray dahil iniisip mo, “Huwag ko na lang ipagdasal, hindi rin naman Niya ibibigay”? Or sabi mo you surrendered it to the Lord pero deep inside nagtampo ka na kay Lord dahil ang tagal Niyang sumagot sa prayer mo?

Meet the wealthy married Shunammite woman, who was hospitable to prophet Elisha and his servant Gehazi (2 Kings 4:8–10). Na-bless si Prophet Elisha sa magiliw na pagtanggap ng Sunamita sa kanila sa Sunem. Kaya’t gusto niyang i-bless ito. Sumagot si Gehazi, “Wala po siyang anak at matanda na ang kanyang asawa.” Kaya’t nang ipinatawag ang babae, sinabi ni Elisha, “Isang taon mula ngayon ay mayroon ka nang anak na lalaking kakalungin.” Sinabi ng babae, “Mahal na lingkod ng Diyos, huwag na po ninyo akong paasahin.” At nangyari nga na nanganak siya ng isang lalaki makalipas ang isang taon (2 Kings 4:11–17). Lumaki ang batang lalaki ngunit isang araw ay bigla na lamang itong nagkasakit at namatay. The Shunammite woman went to Elisha and said, “Humingi ba ako sa inyo ng anak? Hindi ba’t sinabi kong huwag na ninyo akong paasahin?” (2 Mga Hari 4:18–37).

Tulad niya, maybe something happened to you in the past that caused you to doubt God. Marahil ay may mga tao sa buhay mo na nangako sa iyo pero hindi nila tinupad at binigo ka. Pero iba si God.

Nanganak ang Sunamita ng lalaki sa taon na sinabi ng propeta ng Diyos sa kanya. It was a fulfilled promise. At nang namatay ang batang lalaki at idinulog kay Elisha ang nangyari, her son was raised from the dead (v. 37) Si Lord ay hindi paasa kundi Siya mismo ang pag-asa. Kapag may ipinangako Siya sa iyo, tutuparin Niya ito (Romans 4:21). Kapag humiling ka sa Kanya at ang iyong hiling ay aligned sa Salita at Will Niya, tiyak na ibibigay Niya ito (1 John 4:14–15).

Natatagalan ka ba sa sagot ni Lord sa prayer mo? Take heart. Iba si God! Alam Niya kung paano sasagutin ang silent prayers mo.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po dahil napakasagana ng Inyong biyaya. Patuloy po Ninyo itong ipaunawa sa akin para hindi ko malimutan at mabalewala.

APPLICATION

Meron ka bang takot hingin sa Diyos dahil baka paasahin ka lang? Isulat ito sa iyong journal. Ask the Lord to give you sensitivity to His leading and clarity to receive His answer.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 5 =