29

MARCH 2021

Ibigay Mo Na

by | 202103, Devotionals, You

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Rayton

Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

1 Pedro 5:7

Pakiramdam mo ba ay pasan mo ang buong mundo sa dami ng problema at walang nakakaintindi sa pinagdadaanan mo? At dahil sabay-sabay lahat, hindi mo na alam kung ano ang uunahin. Hindi na natapos. Hindi na naubos.

At kapag dumadaan ka sa ganitong sitwasyon, siguro may tendency ka na maging “soloista”—kinakaya mong mag-isa ang lahat kahit hirap na hirap ka na. Iniisip mo na walang nakakaintindi sa iyo o na ayaw mo nang maging pabigat pa sa iba. O baka naman dahil sinubukan mo minsang humingi ng tulong pero nabigo at nasaktan ka lang, kaya tiniis mo na lang.

Pero alam mo bang may solusyon para hindi mo pasaning mag-isa ang lahat ng alalahanin mo? Yes. You don’t have to carry the entire burden alone. Hindi mo kinakailangang solohin ang problema dahil si Lord ay willing na tulungan ka sa lahat ng kabigatan at problemang dinadala mo. Ang sabi sa Bible, “Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo” (1 Pedro 5:7).

Gusto kang tulungan ni Lord. Bakit? Because He cares for you. Concerned Siya sa iyo at mahal ka Niya. Ang kailangan mo lang gawin ay ipagkatiwala kay Lord ang iyong mga alalahanin. Bitawan mo na ang mga bagay na hindi mo kayang kontrolin. Aminin mo kay Lord na hindi mo kayang mag-isa at kailangan mo ang tulong Niya. Ibigay mo kay Lord ang lahat ng karga at pasan mo sa buhay. Naghihintay lang si Lord na lumapit ka sa Kanya. Palagi mong isipin na kung may isang hindi magsasawang tumulong at magmalasakit sa iyo, si Lord iyon.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat na Kayo ay may malasakit sa akin. Ipinagkakatiwala ko sa Inyo ang lahat ng mga pasanin ko. Inaamin ko na hindi ko kayang mag-isa kaya kailangan ko Kayo, Panginoon. Nais kong maranasan ang kapangyarihan Ninyo sa buhay ko. I surrender all my burdens and worries to you, Lord. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Sa halip na solohin ang problema o mag-post sa social media kung gaano kabigat at karami ang problema mo, mag-pray ka at ipagkatiwala kay Lord ang kabigatan mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 13 =