22
SEPTEMBER 2024
Implosion Prevention
Ang puso mo’y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.
Mga Kawikaan 4:23
Isa sa mga trahedyang tumatak sa puso ng lahat noong 2023 ay ang OceanGate Titan submarine implosion. Habang sila ay patungo sa ruins ng Titanic, the Titan Hull imploded and ended the life of five people. Isa sa mga dahilan kung bakit nangyari ang implosion ay dahil ang mga materyales na ginamit sa pagbuo ng Titan ay hindi safe at hindi certified ng mga eksperto. Because the submarine wasn’t dive-ready, it faced a tragic ending.
Maihahalintulad natin ang Titan submarine sa ating puso. Maaari rin itong makaranas ng implosion kung ang pressure na nararanasan nito sa labas tulad ng worries at anxieties ay hindi na nito kayang i-handle. Ito ang dahilan kung bakit we are reminded na dapat ingatang mabuti ang ating mga puso. Once the heart is crushed by the pressures outside, it can have devastating results in our lives. Hindi lang nito maaapektuhan ang ating mga sarili kung hindi ang mga tao sa ating paligid.
Paano nga ba aalagaan nang maayos ang ating mga puso? Dapat itong simulan sa pagsuko nito sa ating Panginoon. Kaya Niya tayong bigyan ng bagong puso na handang sumunod sa Diyos (Ezekiel 36:26). Ikalawa, dapat nating ibigay ang lahat ng ating alalahanin kay Jesus sapagkat Siya ang kayang umintindi at tumulong sa lahat ng pangangailangan natin (1 Pedro 5:7). Dapat din na may mga kaibigan tayo na handang magtama at magturo sa atin kapag tayo ay may maling ginagawa. Kailangan din nating i-filter ang lahat ng pumapasok sa ating puso at i-ensure na ito ay nakakalugod sa Panginoon (Mga Taga-Filipos 4:8).
Our hearts are delicate and dictate the way we live our lives. We must guard it and let it be guided by God all the time.
LET’S PRAY
Lord Jesus, I surrender my heart to You. May You give me a new heart and guide me so that my heart can stay devoted and protected by You. Amen
APPLICATION
Guarding our heart requires intentionality. Filter the thoughts that enter your mind daily and have them renewed through the Word of God.