21

SEPTEMBER 2024

When Thorns Remain

by | 202409, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

Ganito ang kanyang sagot, “Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas.”

2 Mga Taga-Corinto 12:910

“God is never closer than when your heart is aching.” Ito ay mga salita ni Joni Eareckson-Tada, an author and founder of Joni and Friends, isang global Christian organization for families in the disability community. Si Joni ay isang quadriplegic (paralyzed mula balikat pababa). Ayon sa kanya, kung kailan siya hinang-hina ay saka niya higit na nararanasan ang kalakasan ng Diyos. Lalo tuloy tumatapang ang kanyang patotoo sa di-pangkaraniwang grace ni God. Hindi lang siya writer. She is also a painter, a singer, a much-loved speaker, and a shining testimony of what God can do. Hindi pa man niya natanggap ang healing ni Lord, tiyak niya na God is holding her all the way.

May similarity ang experience ni Joni at ni apostle Paul. Hiling ni Paul na tanggalin ni Lord ang kanyang “thorn in the flesh.” Madalas solusyon sa pasanin ang hanap natin, subalit sa halip na pagalingin o tanggalin ni Lord ang ating problema, kadalasan, ginagamit Niya ang mga ito para maipamalas sa atin ang kaya Niyang gawin. Paano mo nga naman mae-experience ang kalakasan Niya kung hindi ka nakakaranas ng kahinaan? God is not limited in His ability to address our situation. Alam din Niya ang puno’t dulo ng ating pinagdadaanan, pati na ang dahilan, at ipinapangako Niya na ang pagpapala Niya ay sapat sa ating pangangailangan.

Dahil may tiwala si Paul kay Lord, ang makailang beses niyang pinapakiusap kay Lord na tanggalin, nagawa na niyang ipagpasalamat. Ang pighati ay naging pintuan palabas tungo sa kaaya-ayang plano ni Lord. Ang obstacle naging opportunity para lalo pa niyang makilala ang ating Tagapagligtas.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat, Panginoon, ayaw Ninyo akong mapanghinaan ng loob. Give me wisdom, Lord, nang maipagmalaki ko ng may kagalakan ang aking pinagdadaanan. Salamat sa grace na tutugon sa bawat pangangailangan. In Jesus’ name, I pray. Amen.

APPLICATION

Consider all things that are going right around you. Isulat at magpasalamat para sa bawat isa. Basahin muli ang 2 Mga Taga-Corinto 12:910 at pagdating sa “Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y __________,” Isa-isahin mo ang mga bagay na hinahanapan mo ng solusyon o ginhawa.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 7 =