29
JULY 2023
In Case of Emergency
“Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, siya’y nakikinig …”
1 Pedro 3:12
Nakakita ka na ba ng emergency glass sa isang building? Mahalagang bahagi ito ng isang infrastructure pero bihirang gamitin. As the name indicates, pang-emergency lang.
Marami sa atin, ganito ang tingin kay God. Minsan lang tayo lumapit sa Kanya kasi kinakaya natin iyong mga maliliit na challenges na nakakaharap natin. Gaya ng problema sa traffic kapag male-late tayo sa isang important event. Kadalasan si Waze ang tinatanong natin instead of asking God to clear the way. O kaya naman kapag may power interruption at work from home tayo. Nase-stress tayo at kinukulit natin ang Internet provider na ibalik agad ang connection bago pa natin maalala na ipag-pray ito. Bakit kaya ganito? Iniisip kaya natin na baka makulitan si Lord dahil tawag tayo nang tawag sa Kanya? Or baka naman nire-reserve natin Siya pang-big events kung kailan alam talaga natin na hindi na natin kaya?
The good news is, God is available 24/7. He loves hearing us call Him because God wants to let us know that in big or small challenges, He’s got us! He does not want to be just an emergency contact for us. Instead, the Lord wants to be involved in every detail of our lives. So, even if at times, feeling natin maliit na bagay lang ang kinakaharap natin, we could still say a little prayer of “Lord, guide me” and rest assured that He is there.
LET’S PRAY
Panginoon, sorry po kung naglalakas-lakasan ako minsan. Thank You for this reminder na pwede akong mag-depend Sa Inyo any time. I submit to You all my worries for today and trust na hindi Ninyo po ako pababayaan. I pray this in Jesus’ name. Amen.
APPLICATION
Tell God all your concerns this day, however small or big it may be, and imagine Him listening. Allow Him to respond to your requests in the best possible way.