28

JANUARY 2022

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jamey Santiago-Manual & Written by Clarissa Estuar-Navarro

“Ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.”

Juan 4:14

Ito ang scenario: nasa labas ka para mag-grocery nang biglang may nakita kang tao na gusto mong iwasan. Ano ang gagawin mo? Magtatago ka ba sa likod ng malaking display ng mga tsitsiryang naka-50% off? O magwi-wish ka na lang na magkaroon ng superpower of invisibility tulad ng napapanood sa mga superhero movies?

Napaka-convenient sana kung may ganito kang kakayahan ano? Sa John 4 we read about the story ng isang babaeng taga-Samaria na nakadiskubre ng strategy para makaiwas sa mga tao. Tuwing tanghaling tapat siya lumalabas para mag-igib ng tubig. Sa sobrang init, walang ibang gumagawa nito kaya nakakaiwas siya sa mga tsismosa na madalas, siya ang pinag-uusapan.

Laking gulat niya nang isang araw, natagpuan niya ang isang lalaki sa tabi ng balon. Inalok nito ang babae ng tubig na nagbibigay buhay at pagkatapos, binanggit na alam Niya kung bakit ito umiiwas sa mga tao. Kalat sa lugar nila na naka-lima na siya ng kinasama. Kaysa usigin ang babaeng taga-Samaria, inalok Niya ito ng buhay na walang hanggan.

Naramdaman ng babae ang pagkahabag at tunay na pagtanggap sa kanya ng lalaki. Naramdaman niya na hindi ito ordinaryong propeta at ito ang Messiah na matagal na nilang hinihintay. At dahil dito, nagkaroon ng malaking pagbabago sa babae na taga-Samaria. Kung dati, ginagawa niya ang lahat para magtago, bigla siyang humarap sa mga kababayan at ipinagsabi sa ibang nakausap niya ang Tagapagligtas na magbibigay ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanan.

Kung iisipin natin, walang panama ang superpower of invisibility sa power ni Lord to change lives. Your shame is taken away by Him. You stop being defined by your sin. And you will see your true value because of Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, hindi ako proud sa ibang bagay na nagawa ko. Tulungan Mo akong makalaya sa mga kasalanang pilit na kumukulong sa akin.

APPLICATION

Today, take time to reflect on the sins that imprison you. Humingi ka ng tawad sa Panginoon at tanggapin ang kalayaan mula sa kasalanan na Siya lamang ang makakapagbigay.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 14 =