27

JANUARY 2022

Huwag Kang Pasaway!

by | 202201, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Peter Kairuz & Written by Neryssa Bautista

Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo’y maging banal tulad niya.  

Mga Hebreo 12:10

Naalala mo pa ba ang linyang “Huwag kang pasaway!” kapag dinidisiplina ka ng  parents mo noong bata ka pa? We dislike discipline. Ayaw natin ‘yung feeling na pinagsasabihan at pinipigilan sa gusto nating gawin. Isn’t it the same ngayong adult na tayo? As adults, we see discipline as an attack on our willpower and decision making. Sometimes, we become stubborn kapag kino-korek tayo, or we feel frustrated dahil feeling natin we failed that’s why we need to be under discipline.

Pero iba ang pananaw ni God about discipline. Para kay God, discipline is necessary sa buhay ng tao. Sabi ng Mga Hebreo 12:10, “Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo’y maging banal tulad niya.” Hindi ito pagpaparusa kundi isang training to do what’s right. God disciplines us because He wants us to live a fruitful life. Through discipline, which is a process, dine-develop ni God ang character natin at pinapamunga Niya sa atin ang fruit of the Spirit — love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, and self-control (Galatians 5:22-23).

It is God’s will na i-mold and i-refine tayo into the likeness of His Son Jesus dahil mahal Niya tayo at pinili Niya tayo. God loves us so much to leave us the same way we are today, kaya dinidisiplina Niya tayo with grace and wisdom. In the end, God’s discipline will turn out for our own good and success.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, salamat sa Inyong patience, forgiveness, and grace that serve as a reminder that in You may pag-asang maituwid ang mga pagkakamali ko. Patuloy Ninyo akong samahan at ituro Ninyo sa akin ang tamang daan. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Ask feedback from your peers or superiors kung saang areas mo pa kailangan ng improvement. Look for ways to improve like enrolling in a workshop or seminar, reading, researching, or learning from a mentor. Pray that God will continually transform your character as you walk with Him.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 2 =