20
FEBRUARY 2021
Ipon Now, Gastos Later
Share with family and friends
Ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan, ngunit ang dalus-dalos na paggawa’y walang kahihinatnan.
Mga Kawikaan 21:5
Nabalitaan mong magco-concert ang favorite K-pop band mo this year. O may lalabas na bagong cell phone model next month. Lumundag ang puso mo sa excitement. Umiyak naman ang savings account mo sa bangko.
Sa dami ng puwedeng pagkagastusan these days, medyo mahirap talagang i-control ang spending habits natin. Nakaka-tempt na mag-swipe ng credit card, mangutang sa kaibigan, o mag-salary loan, para lang mabili agad ang isang bagay na gustong-gusto natin. Sabi nga nila: gastos now, lubog sa utang later.
Ano ba ang sinasabi ng Bible tungkol sa pera? How does one spend money wisely?
Malinaw ang nakalagay sa Kawikaan 21:5. Kung wala tayong pakundangan sa paggastos, baka magising na lang tayo isang araw na ubos na ang laman ng savings account natin at baon na tayo sa utang.
Ang sabi ng first part ng verse, ang mabuting pagbabalak ay pinapakinabangan. Maging si Jesus ay nagpaalala, “Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo?” (Lucas 14:28). Kaya bago gumastos, tanungin muna ang sarili: Kailangan ko ba talaga ang designer jeans na ’yan? Meron bang mas mura pero matibay na alternative? Kung mangungutang ako ngayon, kaya ko ba itong bayaran agad? Bayad na ba lahat ng bills ko this month? May naitabi na ba ako para sa tithes and offering?
Matuto din tayong mag-ipon at magtipid. Kung hindi naman urgent, huwag muna gumastos. Pag-ipunan muna ang cell phone na pinapangarap. That way, wala ka nang iintindihin after you buy it. Hindi ’yung may bago ka ngang cell phone, dalawang taon ka naman mamomroblema ng pambayad dito.
Walang masama na i-treat ang sarili paminsan-minsan. God blesses you and allows you to enjoy the fruits of your labor. Mag-ingat lang na hindi mabaon sa utang dahil dito. When we become wise in handling God-given resources, we benefit greatly, and God is glorified.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, tulungan Ninyo akong maging wise spender. Teach me to be a good steward ng resources na binibigay Ninyo. Amen.
APPLICATION
I-review ang spending habits sa isang buwan. Gumawa ng listahan ng mga gastos at pinaglalaanan (tithes, savings, utility bills, etc.) at iplano ang budget based dito.