6

FEBRUARY 2021

Iron Sharpens Iron

by | Devotionals, Training

Share with family and friends

Narrated by Joyce Burton Titular

Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

Mga Kawikaan 27:17

Alam mo ba ang kasabihang “iron sharpens iron”? Ang ibig sabihin nito, kapag kiniskis mo ang bakal sa bakal, tumatalas ito at mas nagiging useful na tool. Para ring sa dalawang taong magkasama at kaya nilang pag-usapan ang mga mahihirap na issues nang makatotohonan at may pagmamahal. Dahil sa kanilang palitan ng kuro-kuro, nasha-sharpen sila at nagiging better people. Tumatalas ang kanilang pag-iisip at nagiging mas maunawain at magalang sila sa kapwa.

How do you choose your friends? Pinapalibutan mo lang ba ang sarili mo ng mga taong nice things lang ang sinasabi, at kinukunsinti ka sa actions mong mali? O humahanap ka ng friends na sinasabi sa iyo ang katotohanan, kahit na masakit, pero para sa benefit mo?

Kailangan natin ng friends na totoo at tapat na magsasabi sa atin ng katotohonan kahit masaktan pa tayo. In other words, tulad ng nakasulat sa Mga Kawikaan 27:6, “May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa sa halik ng kaaway.”

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, salamat sa biyaya ng tunay na pagkakaibigan na nakikita ko sa Inyo at sa mga tunay kong kaibigan. Turuan Ninyo kong pahalagahan sila. Tulungan Ninyo kong maging humble upang mapakinggan ko ang kanilang wisdom at advice, kahit na masakit ang mga ito kung minsan.

APPLICATION

Get in touch sa isa sa mga ka-close mo; mas maganda kung believer din. Tanungin mo siya kung anong puwede mong gawin o baguhin sa sarili mo upang mas maging mabuting kaibigan, anak, asawa, o magulang. Pagkatapos, humingi ng pahintulot kung puwede ka ring magbigay ng suggestion sa kanya. Tanggapin mo ang mga sagot with humility, then mag-pray kayo. Maging accountable kayo at mag-follow up sa isa’t-isa.


SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 14 =