12
JANUARY, 2021
Isa Ka Bang Negatron?
Share with family and friends
“Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.”
Mga Taga-Colosas 4:6
Ikaw ba ang uri ng tao na laging may kontra sa mabuting balita ng iba? Wala ka na bang bukambibig kundi negative words? At hindi mo ba makita ang silver lining sa mga bagay na nangyayari? Kung palagi kang may naiisip na hindi maganda tungkol sa sitwasyon mo at ng ibang tao, baka nagiging negatron ka na!
Negatron.
Ito ang tawag ng millennials ngayon sa mga taong sobrang negative ang pagtingin sa buhay. Madaling ma-identify ang negatrons. Sila ang mga taong palagi mong nariringgan ng negative words sa tuwing sila’y nakikipag-usap, na para bang wala nang magandang nangyari sa kanilang buhay.
Toxic kasama ang negatrons. Wala kang makukuhang encouragements sa kanila dahil puro discouragements ang laman ng isip at bibig nila. Lalo ka lang mada-down kapag puro negatrons ang kasama at kausap mo.
“Di mo kaya ‘yun.”
“Mahihirapan ka lang nang sobra.”
“Hindi na magbabago ang taong ‘yun.”
“Wala nang pag-asa itong bansa natin.”
“Di ka na makakahanap ng magandang trabaho dito.”
Hindi kalooban ni Lord na maging negative tayo sa buhay. In fact, bilang followers of Jesus, ine-encourage nga tayo na palaging magsabi ng mabuti at maganda. Ang sabi sa Mga Taga-Colosas 4:6, “Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.”
Para maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang sasabihin natin, i-filter natin ang papasok sa isip natin. Kung ano ang palagi nating ipinapasok dito ay siya ring lumalabas sa ating bibig. Kaya kung pupunuin natin ang ating isip ng negative thoughts, negative words din ang lalabas sa ating pakikipag-usap. Gayahin natin si Jesus. Wala siyang ibang inisip kundi ang kalooban ng Kanyang Ama kaya iyon ang ibinahagi Niya sa mga tao. Don’t be a negatron. Let us be encouragers, not discouragers.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, alam Ninyo kung nagiging source of discouragement ako instead of instrument of encouragement. Salamat sa pagpapatawad Ninyo. Tulungan Ninyo akong mag-isip ng mga positibong bagay para hindi negative ang lalabas sa aking bibig. Palagi Ninyong ipaalala sa akin ang mga Salita at pangako Ninyo and help me to always share them to others.
In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Tuwing makikipag-usap, bantayan ang sarili. Isipin mo muna: Lalakas ba ang loob ng kausap ko kapag sinabi ko ito, o hindi? Magiging masaya ba siya, o hindi? Timbangin kung dapat mo nga itong sabihin.