11
SEPTEMBER 2023
Isa Kang Tanglaw
Dati, kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayo’y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo’y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag.
Mga Taga-Efeso 5:8
Nakarating ka na ba sa mga naggagandahang lighthouses sa Pilipinas? Wikipedia lists over 35 historical lighthouses that are worth your while. Marami sa kanila ay itinayo noong panahon pa ng mga Kastila. Aside sa pagiging isang magandang tourist attraction, ang mga lighthouse na ito ay patuloy na nagsisilbing tanglaw sa mga sasakyang pandagat para makarating ang mga ito nang maayos sa pier o sa pampang.
Kung ikaw ay nakay Cristo, ang buhay mo ay isang tanglaw din para sa mga naliligaw ng landas at naghahanap ng tamang daan sa buhay. Maaaring hindi mo napapansin, pero malamang ay may mga nakatingin sa iyo at ikaw ang inspirasyon nila para magpatuloy sa buhay. Maaaring nasasabi mo, “Wow, nakaka-pressure naman!” Totoong may pressure, pero alalahanin mo na kung ikaw ay nakay Jesus, Siya ang kumikilos sa iyo upang naisin at isagawa mo ang Kanyang kalooban (Mga Taga-Filipos 2:13). Sa tulong Niya, magagawa mong mamuhay nang nararapat sa mga taong nasa liwanag (Mga Taga-Efeso 5:8).
Kaya sa biyaya ng Diyos, maaari kang makagawa ng mabuti. Maaari kang magkaroon ng tamang attitude sa buhay, at maayos na pakikitungo sa ibang tao. At dahil dito, nago-glorify si God. Marami kasi sa atin, ang natural na reaksyon sa mga maling nangyari ay galit, inggit, depression, at marami pang ibang negative reactions. But because we believe in Christ, He Himself made and declared us to be the “salt and light of the earth” (Mateo 5:13–14). He enables us to do good works na nagiging testimony ng kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Hindi ito upang ipagmalaki na mas magaling tayo kaysa sa kanila, kundi ito’y upang mabigyan ng papuri ang Diyos.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, salamat sa biyaya Ninyo na na-eexperience ko araw-araw. Salamat na patuloy Kayong kumikilos sa akin upang maging tanglaw din ako sa iba, at nang sa gayon ay mabigyan ko Kayo ng papuri at marami ang makakilala sa Inyo bilang Ilaw ng sanlibutan.
APPLICATION
Maging tanglaw sa iyong pamilya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing-bahay o pagtuturo kay bunso sa kanyang assignment. Magligpit ka ng mga kalat kahit hindi ka inuutusan. Magiging instant tanglaw ka sa mga kasama mo sa bahay, tingnan mo kung paano kikilos ang Diyos sa inyong buhay.