17
MARCH 2021
It’s about His Agenda, Not Mine
Share with family and friends
Akala ni Moises ay mauunawaan ng kanyang mga kababayan na sila’y ililigtas ng Diyos sa pamamagitan niya. Ngunit hindi nila ito naunawaan.
Mga Gawa 7:25
Maling akala. Maraming nakakaranas nito. Even Moses, noong siya ay isang prinsipe pa ng Egypt. Akala ni Moses, dahil he was spared noong baby siya at hindi siya napasama sa daan-daang sanggol na itinapon sa Nile River, may special mission siya. Akala niya, dahil nakapag-aral siya at kinilalang marangal na prinsipe, mapapasunod na niya ang mga kapwa niya Israelita. Alam ni Moses na siya ay isa talagang Israelita kaya minsan, sinubukan niyang mamagitan sa away ng dalawang aliping kababayan niya. Pero imbes na kilalanin nila ito bilang tulong, itinuring nila itong panghihimasok. At imbes na pasalamatan siya sa ginawa niyang pagtatanggol sa isang pinagmamalupitang Israelita, inilantad ng kanyang kababayan ang akala ni Moses ay lihim na pagpatay niya sa isang Egyptian. Maliwanag na hindi nila kinilalang kakampi si Moses. They rejected his influence kahit prince pa siya. Hindi siya tinanggap. Wala siyang nakuhang suporta.
Akala ni Moses, siya ang pinili para palayain ang mga kababayan niya mula sa pang-aalipin ng Egipto. Tama naman si Moses. Pero ang inakala niyang tamang timing at paraan ay hindi pala ayon sa schedule ni Lord. Kailangan pang ihanda ang puso at kakayahan niya para sa gawain.
Kung minsan mayroon tayong magagandang plano at intensyon. I-check muna natin kung si Lord nga ang nakapirma at “For Implementation” na. Kapag agenda lang natin ito at umaasa tayong magagawa natin sa sarili nating kakayahan at paraan, apart from Christ, nawawalan siya ng kabuluhan. Apart from the Lord, kahit gaano pa kaengrande ng planong iyan, hindi iyan magtatagumpay.
Alam natin ang nangyari noong nagpasakop na si Moses sa timing at paraan ni Lord. Under Moses’ leadership, napalaya ang mga Israelite pagkatapos ng 400 years of slavery. Finally, nasunod ang agenda ng Diyos.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, i-reveal po Ninyo ang aking mga maling akala. Nagpapasalamat ako at ang rejection na nararanasan ko ay redirection lamang. Liwanagin Ninyo ang isip ko nang maunawaan ko ang bahagi ko sa Inyong agenda. Tulungan Ninyo akong ma-accomplish ito. Amen.
APPLICATION
Gumawa ng listahan ng lahat ng mga pinaplano o pinagkakaabalahan mo. Ipag-pray ang mga ito at humingi ng guidance kung alin-alin ang naka-align sa agenda ng Panginoon. Focus and act on what God has shown to you.