18
APRIL 2024
It’s Cute to Mute
Sa paglaganap ng online meetings via video conferencing platforms, naging popular ang mga katagang “mute” and “unmute.” Outside the virtual world, sa real world, kailangan rin nating alamin kung kailan dapat mag-mute at unmute. Alamin natin iyan sa pagsisimula ng ating series na “To Mute or Not to Mute.”
Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita.
Ang Mangangaral 3:7
Sa isang online class through Zoom meeting, ang usual na sinasabi ng isang teacher at host para magkaintindihan sila ng participants ay “It’s cute to mute!” Pagdating naman sa pang-araw-araw na buhay, bakit kailangang mag-mute o unmute? When is it cute to mute?
Una, it’s cute to mute para iwas sa problema at maging peaceful tayo. Ika nga, less talk less mistake. Ang pag-iingay ay laging pinagmumulan ng away. Gaya ng nangyari sa isang barangay kung saan nagkaroon ng di-pagkakaintindihan dahil may mga “Marites” o mga tsismosa ng bayan. Mas lumala pa ang disagreements dahil lumevel up na sila — they are no longer just “Marites” kundi mga “Sirena” o wang-wang ng bayan. Napakalakas ng ingay na nililikha nila at ang mga dila nila ay parang apoy na agad na kumakalat at nangwawasak. Ayon nga sa Santiago 3:5, “maliit na bahagi lamang ng katawan ang dila, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan.” Mismong ang Biblia ang nagsasabing mag-ingat tayo sa pagbo-broadcast ng mali at walang matibay na basihan dahil tiyak gulo lamang ang magiging bunga. May tamang panahon para tumahimik at para magsalita (Ang Mangangaral 3:7).
Pangalawa, it’s cute to mute para maging wiser tayo. He who closes his lips is wise (Proverbs 17:28). Para maging mas matalino, learn when to be silent and when to speak. Makinig sa mga payo at turo para lalong tumalino.
Pangatlo, it’s cute to mute para mapakinggan natin ang Diyos. Sinabi ni God, “Be still and know that I am God” (Psalm 46:10). God speaks in our silence. Tara, gamitin natin ang bibig natin para manahimik at manalangin.
Ngayong alam na natin kung kailan dapat mag-mute o manahimik, alamin naman natin bukas kung kailan dapat mag-unmute. Kaya kita-kits tayo bukas para sa pagpapatuloy ng ating short series na “To Mute or Not to Mute.”
LET’S PRAY
Panginoon, sa pamamagitan Ninyo, ang aking pananalita nawa ay maging laging tama at ang aking dila ay laging magpupuri dahil sa inyong kadakilaan. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
APPLICATION
Iwasan nating mag-broadcast ng maling kuwento o balita, at iwasan ding makipagtalo sa mga walang kuwentang bagay. Remember, it’s cute to mute!