8

NOVEMBER 2023

It’s Time for Reinforcement

by | 202311, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Alma S. de Guzman

Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, gayundin naman, kahit na tayo’y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa’t isa.

Mga Taga-Roma 12:4–5

Noong year 2014, Ava and Mae felt a strong desire to do an outreach at Pampanga. Nakita kasi nila ang mga batang masayang naglalaro sa initan suot ang mga pudpod na tsinelas. Naantig ang puso nila kaya pinag-pray nila na mapagpala nila ang mga bata kahit sa munting paraan. Wala silang budget for outreach pero nangarap silang maiparamdam ang pagmamahal ni Jesus sa mga bata.

Isang children’s party ang napagdesisyunan nilang gawin. Ava knows in her heart na malaking halaga ang kailangan, pero nahihiya siyang manghingi sa iba. Kinabahan siya at natakot na ma-reject. Nasanay siyang independent, kaya nag-alangan siya kung dapat bang humingi sila ng tulong sa iba.

Pero tumatak sa kanya ang sabi ng bida sa isang action science fiction movie: “It’s time for reinforcement.” Nang marinig ni Ava ang word na reinforcement naramdaman niyang nangusap ang Holy Spirit sa kanya. Naisip niya na kailangan niya ng mga kakampi na willing tumulong sa outreach nila. She realized na gusto ni God na magpakumbaba siya at matutong tumanggap ng tulong mula sa iba.

Ava shared the vision of the outreach to her friends, at nakaipon sila ng P130,000.00 para sa 200 kids. The Lord blessed them exceedingly. Isang donor din ang nagpasalamat at nagsabing, “Thank you for giving us the opportunity to bless the children.”

God designed us to live in a community. Nasanay man tayong independent sa buhay, kailangan pa rin natin ng tulong ng Panginoon at ng mga taong ibinigay Niya sa buhay natin. God gave us different strengths and abilities to complement each other, and most of all to bring glory to His name.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, I humble myself before You. I am used to doing things all by myself, but now by Your grace, I will ask for help and accept kindness from others. Bless me and use my life to be a blessing to others. In Jesus’ name I pray. Amen.

APPLICATION

Pray for a person whom you can be your ally to bless and encourage someone in need.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 9 =