9

NOVEMBER 2023

Bawi Ako Next Time, Lord!

by | 202311, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Aliya Parayno

Kaya’t ang kasalanan ko’y aking inamin; mga pagkakamali ko’y hindi na inilihim. Ako’y nagpasyang sa iyo’y ipagtapat, at mga sala ko’y pinatawad mong lahat.

Awit 32:5

Making up for a shortcoming is a human thing. Hindi ka nakasipot sa usapan ninyo ng kaibigan mo and you say, “Bawi ako next time.” Nilibre ka ng classmate mo at ayaw niyang tanggapin ang share mo sa bill and you say, “Bawi ako next time.” You accidentally spilled a friend’s secret to others and to appease her, you say, “Bawi ako. ‘Yung ibang secrets di ko na talaga sasabihin sa kanila. Promise.” Nakalimutan mong sundin ang utos ng magulang mo na itapon ang basura kaya uunahan mo na para makalusot sa consequences by saying, “Bawi ako, Ma. Gusto mo, ako na rin magdilig ng mga halaman eh.”

We may or may not have verbalized it to God, but part of us have that tendency to try to make up for our sins. To atone for something that we know upsets the Lord, bumabawi tayo. Somehow, ito rin ang mentality behind self-harm at penitensya. Para makatakas sa consequences from the Lord, inuunahan na natin Siya at tayo na ang nag-iisip ng ibang paraan ng pambawi.

Pero ang hinihintay ng Diyos na gawin natin ay aminin ang ating kasalanan. Ang buong Awit 32 ay tungkol sa paghahayag ni David ng kasalanan at kapatawarang iginawad sa kanya ng Diyos dahil hindi na siya naglihim. Ganito rin ang sinabi ni Apostle John. “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siyay matapat at matuwid” (1 Juan 1:9). Matuwid ang Diyos; alam Niyang hindi natin kayang gumawa ng anumang bagay para makabawi sa mga pinaggagawa nating laban sa kalooban Niya. Kaya ibinigay Niya si Jesus bilang atoning sacrifice for our sins. At tapat Siya sa ipinangako Niyang kapatawaran para sa mga magsisisi, aamin, at magtitiwala kay Jesus na Siyang naparusahan para sa ating mga kasalanan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, I admit I have sinned and I seek Your forgiveness. Hindi na po ako magpapalusot. Thank You, dear Jesus, dahil sapat na ang Iyong naging sakripisyo para mapatawad ang lahat ng aking mga kasalanan.

APPLICATION

Basahin mo uli ang 1 Juan 1:9 at pagtuunan mo ng pansin ang mga katagang “siyay matapat at matuwid.” Purihin mo ang Diyos dahil sa mga katangian Niyang ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 1 =