19

JUNE 2023

Jesus Shares God’s Glory

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Prexy Calvario

“Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig.”

Juan 17:5

Kailan ka huling gumising sa umagang may magandang view ng ulap at tanaw ang mga bulubundukin? O isang gabi ay tumingala sa ulap na puno ng bituin, may buwan, at may bonus na shooting star? Kailan ka huling nagpunta sa beach o sumisid sa ilalim ng dagat? Talaga namang mabibighani ka at mapapa-“Praise the Lord!” sa ganda. Indeed, you have seen a manifestation of God’s glory.

Mahirap ipaliwanag ang God’s glory o ang kaluwalhatian ng Diyos lalo na’t hindi pa natin ito nakikita o nararanasan. Sa Bible, wala pang nakakita ng kaluwalhatian ng Diyos na nabuhay. Nang hilingin ni Moses na makita ang Diyos, kabutihan Niya ang dumaan sa kanyang harapan ngunit hindi niya nakita ang kaluwalhatian ng mukha ng Diyos (Exodus 33:18–20). Naranasan man ni Elijah ang presensya ng Diyos sa hangin, lindol, apoy, at bulong ng Diyos, pero hindi ang mukha ng Diyos (1 Kings 19:10–18). But Jesus, being 100% God and 100% man, have seen and shared God’s glory even before the beginning of creation. Sa pagkakatawang-tao ni Jesus, hinubad Niya ang kaluwalhatian ng pagiging Diyos upang i-glorify si God by fulfilling His purpose of dying to save mankind. At sa hardin ng Gethsemane, nanalangin si Jesus ng ganito, “Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig.”

Jesus glorified the Father by fulfilling His purpose. And surprisingly, sinabi ni Jesus na ibinigay rin Niya sa mga nananampalataya sa Kanya ang kaluwalhatiang ibinigay sa Kanya ng Ama (v. 22). Jesus shares His glory with us when we put our trust in Him and His perfect work at the cross. He also invites us to glorify God the Father with Him through our worship of God and the way we live.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, hindi po ako karapat dapat na tumanggap ng Inyong kaluwalhatian o ma-experience ito dahil ako ay makasalanan. But thank You, because of Jesus’ perfect and finished work at the cross, I am now saved. As I receive Jesus as my Savior and Lord, I am assured of experiencing future glory in heaven.

APPLICATION

Read John 17. Ask the Lord to speak to you while you meditate on Jesus’ prayer for you. Ask the Holy Spirit to empower you to glorify God in your life today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 6 =