18

JUNE 2023

Dinig ng Diyos Ama ang Iyong Daing

by | 202306, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Thelma A. Alngog

Pakinggan mo ako, Yahweh, dinggin ang aking hibik; sa daing ko’t panalangin, huwag ka sanang manahimik.

Awit 39:12

Sa murang edad, halos araw-araw ay binubugbog at minumura ang isang batang babae ng kanyang ama at mga kapatid na lalaki. Di nagtagal, pinalayas pa siya ng kanyang ama kaya sa church siya lumaki kung saan member ang kanyang ina.

Lumaki siya na may galit sa kanyang ama. After college graduation, lalong nakita sa kanya ang pagrerebelde. Dahil kumikita na siya nang malaki, nalulong siya sa masamang bisyo, nalubog sa utang, at nademanda. Nakipagrelasyon siya sa iba’t ibang lalaki at nabuntis ng kanyang boyfriend. Ang masaklap, iniwan siya at hindi pinakasalan.

Dahil wala nang malapitan, bumalik siya sa probinsya para humingi ng tulong sa ama, pero ipinagtabuyan siya nito. Nanganak siya sa tinutuluyan niyang maliit na kuwarto pero halos wala na siyang makain. Sa tindi ng hirap na naranasan, umiyak siya sa Diyos, “Lord, bakit kahit kailan hindi ako minahal ng ama ko?” She could not handle her problems anymore. She was helpless and thought of killing herself and her baby. Habang humihingi na siya ng tawad sa Panginoon dahil sa gagawin niya, may kumatok sa kanyang room. Mahimalang dumating ang kapatid niyang babae with fellow believers! They shared the gospel and prayed for her. She accepted Jesus as her Savior and Lord.

Maaaring hindi sapat ang naibibigay na pagmamahal ng ama sa anak ngunit hindi natin matatawaran ang sapat at ganap na pagmamahal ng tunay na Ama natin sa langit. Naramdaman ito ng babae at dumating ang pagkakataon na nagpatawaran silang mag-ama. Tinanggap din ng kanyang ama ang Panginoon. The Heavenly Father saw her tears and felt her pain. He restored her family and gave them hope. Kaya kung umiiyak ka rin dahil sa mabigat at mapait na karanasan, continue to trust and be strong in your Heavenly Father who really loves you. Nadidinig Niya ang iyong pagdaing.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Thank You, Father God, because You alone can wipe away our tears. Help me to trust You everyday. I believe that You are for me and with me.

APPLICATION

Hindi ba sapat ang pagmamahal na natatanggap mo sa mga taong nakapaligid sa iyo? Huwag ka nang umiyak kasi may Ama ka sa langit na buong-buo ang pagmamahal sa iyo. Buksan mo ang iyong puso at tanggapin ang eternal love ng Diyos para sa iyo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 8 =