13

SEPTEMBER 2025

Jesus: Son of God

by | 202509, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Yna S. Reyes

God longs to reveal Himself to us and He has made Himself known in many ways. Kilalanin natin ngayon ang espesyal na kapahayagan ng Diyos. Welcome to the last part of our series “How God Reveals Himself to Us.”

Kailanma’y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama.

Juan 1:18

Throughout His earthly ministry, Jesus spoke about His oneness with the Almighty Creator-God, who He also called Father. In a dramatic exchange with one of His disciples, makikita ang frustration ni Jesus dahil hindi pa nito naunawaan na Siya ang Anak ng Diyos.

Here’s how their conversation went: 

Felipe: “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”

Jesus: “Felipe, kaytagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo’y hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako’y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nasa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain” (Juan 14:8–10). 

Malamang wala si Felipe (o Philip) nung baptism ni Jesus sa Jordan River. Kaya hindi niya nakita na nang umahon Siya sa tubig, “biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya” (Mateo 3:16). And then a voice from heaven said, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan” (Mateo 3:17).

All of Christ’s teachings and works, He did in the name of God the Father. He said so in a heated exchange with the Jews in the temple. “Sinabi ko na sa inyo, ngunit ayaw ninyong maniwala. Ang mga ginagawa ko sa pangalan ng aking Ama ang nagpapatotoo tungkol sa akin” (Juan 10:25). At tinapos Niya ang usapan nang ganito: “Ako at ang Ama ay iisa” (v. 30).

Jesus “the Son is the image of the invisible God” (Colossians 1:15, NIV). And through Jesus, “niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay, maging sa langit o sa lupa, ay makipagkasundo sa kanya … sa pamamagitan ng pag-aalay ng Anak ng kanyang dugo sa krus” (Mga Taga-Colosas 1:20).

God reveals Himself to us through the Bible, through our conscience, and most of all, through His precious Son, Jesus Christ. Thank you for always tuning in to Tanglaw. May you continually grow in knowing God!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You so much for sending Your Son Jesus to the world that we may know You and return to You. Through Jesus, help me know and love you more. Amen.

APPLICATION

Watch the Jesus Film on YouTube any time this week.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 2 =