24

AUGUST 2022

Jesus: The Mighty Warrior

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Joshene Bersales

Pagkaraan nito’y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito’y tinatawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma.

Pahayag 19:11

Napakalinaw ng description ni Apostle John tungkol sa Second Coming ni Jesus. Sa kanyang vision, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba si Jesus sakay ng isang puting kabayo. “Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang pangalan niya, ngunit siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon. Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay ‘Salita ng Diyos’” (Pahayag 19:12–13). Pero hindi lang ‘yan. Kasunod Niya ang armies of heaven, at lahat sila’y nakasakay din sa mga puting kabayo at nakasuot ng malinis at puting damit. And with His sharp sword, ready na Siya to strike down the nations and to rule them with an iron scepter (v. 15).

Intense! This is the complete opposite ng image na madalas nating i-associate kay Jesus: isang gentle Shepherd who protects His sheep from all dangers. Instead, ang magbabalik na Jesus ay may pangalang “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” At Siya ang Heavenly Warrior na tatalo kay Satanas at sa mga hari ng lupa at the end of days. 

What an amazing picture of Jesus! Para sa mga nananampalataya sa Kanya, ito’y kamangha-mangha talaga: kung paano Niya bibihagin si Satan at ihahagis ito nang buhay sa lawa ng apoy, at pagkatapos ay tatalunin ang lahat ng mga hukbo nito. Di tulad ng Kanyang unang pagdating sa mundo — kung saan mahinahon Niyang ipinaalam sa mga tao na Siya ang Anak ng Diyos — buong lakas Niyang ipapahayag on His Second Coming na Siya ang Haring nararapat sa pangalang Faithful and True!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, tunay ngang Ikaw ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon! I look forward to the day of Your return, kung kailan tuluyan Mong tatalunin ang kaaway at ang kanyang mga hukbo. Amen.

APPLICATION

Basahin ang Mateo 11:25–30. Ano ang mga katangian ni Jesus na binanggit dito? Ano ang pinagkaiba nito sa mga katangian Niya na binanggit sa Pahayag 9:11–21?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 8 =