10

MAY 2021

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Beng Alba-Jones

May mag-asawang buhat sa lipi ni Levi na nagkaanak ng isang lalaki. Napakaganda ng bata kaya’t tatlong buwan itong itinago ng ina. Nang hindi na siya maaaring itago pa, kumuha ang kanyang ina ng isang basket inilagay niya rito ang sanggol at inilagay sa talahiban sa may pampang ng ilog.

Exodo 2:1-3

If you were asked to name the mother of Moses, gaano kabilis mo kaya ito masasagot? It’s Jochebed. She might not be as familiar to most people as the other great women of the Bible, like Esther, Ruth, or Mary, pero she played a crucial role in the story of Israel.

Sinuway ni Jochebed at ng asawa niyang si Amram ang utos ng hari sa mga Hebreo na patayin ang mga sanggol na lalaki. Pagkakita nila kay Moses, they believed that their son was destined to do something great. Their act of defiance wasn’t easy. Pansinin mo na lang kung gaano kalakas at gaano kadalas umiyak ang babies. For three months, they did their best to hide him until they couldn’t anymore. Ano kaya ang tumatakbo sa isip ni Jochebed habang pinapahiran ng alkitran ang basket na paglalagyan ng sanggol? She might have prayed something like this: “Hawakan po Ninyo ang basket na ito at nang mailigtas ang anak ko.”

The Lord answered her prayer, honored her obedience, and blessed her faith. Ginamit ng Diyos si Moses para mapalaya ang Israel mula sa Egipto. He led the Israelites for forty years in the desert. God gave him the Ten Commandments. The mother of Moses was right in believing in and saving him.

Jochebed who? Hindi man natin matandaan ang pangalan niya, nakaukit naman sa kasaysayan ang ginawa niya.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

I praise You, God, who used Moses to free Israel from slavery. I honor You, Lord, who is still working in my life habang itinuturo Ninyo sa akin who You want me to be. Sana’y matuto akong sumunod sa Inyo, magdulot man ito ng panganib sa sariling buhay ko.

APPLICATION

Is there anything that God wants you to do today? May chance ka ba to stand up for your faith sa gitna ng mga taong nagsasabing wala na sa uso ang mga pinaniniwalaan mo? Bravely obey and trust God to help and deliver you.

Pray also for your mom, aunt, lola, or other women who stood up for you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 10 =