8

MARCH 2024

Junia: Pinagpala Para Maging Pagpapala

by | 202403, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Michellan Alagao

May ilang Bible characters na hindi natin masyadong kilala, but they also contributed in spreading the gospel through their God-given gifts. Isa na rito si Junia. Kilalanin natin siya sa ating mini-series na “Women in Ministry.

Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Andronico at Junia, na nakasama ko sa bilangguan

Mga Taga-Roma 16:7a

Tulad ni Paul, marami sa atin ang may “Junia” sa buhay. Pero teka, sino ba si Junia? Isang beses lang siya na-mention sa Bible (Romans 16:7), ngunit may mga mahahalagang detalye tayong makikita tungkol sa kanya.

First, siya ay kababayan ni Paul. Second, nakasama siya ni Paul sa bilangguan. At some point, Junia heard the Gospel at dahil dito, naging believer siya. Since kababayan niya si Paul, at nauna si Junia sa faith, malamang alam niya ang reputation ni Paul noong si Saul pa siya. Junia probably knew about Paul’s persecution of Christians. Nagduda rin ba siya sa pagbabagong-loob ni Paul? Hindi natin alam at walang nakasulat sa Bible tungkol dito, pero for sure, life-changing ang naging encounter ni Junia with Jesus. It was so transformational na naging kilala o highly respected siya sa ibang believers. 

Sabi ni Jesus, Siya ay pinagdudahan ng mga taga-Nazareth, “Ang isang propetay iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan …” (Marcos 6:4). Nakakalungkot kapag yung mga tao na familiar sa atin ang hindi supportive, lalo na when we are doing the Lord’s work. Ngunit si Junia, hindi lang supportive — she ended up being so close to Paul, na may “shout-out” pa siya sa sulat nito sa mga taga-Roma!

As you reflect on your faith journey, sinu-sino ang mga naging Junia sa buhay mo?

Samahan ninyo kami uli bukas upang patuloy nating makilala si Junia and how we can be like her. Bukas iyan, sa pagpapatuloy ng ating mini-series na “Women in Ministry.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, maraming salamat sa mga taong naging Junia sa buhay ko. I thank You for their faith. May You continue to bless them, so that they may be a blessing to others, especially the next generation of Christians.

APPLICATION

Take some time this month to personally thank and honor the “Junias” in your life for their part sa iyong faith journey.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 4 =