14

NOVEMBER 2025

Just Tell Lolo What You Did Wrong

by | 202511, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Felichi Pangilinan-Buizon & Written by Felichi Pangilinan-Buizon

“Ako’y nalulugod sa mga taong nagpapakumbabá at nagsisipagsisi, sa mga may takot at sa utos ko’y sumusunod.”

Isaias 66:2b

Hindi mapakali si Dino. Nadiskubre na kaya ni Lolo Peping ang sirang aquarium cleaner? Aaminin ba ni Dino na siya ang nakasira nito? Paano kung pagalitan siya ng lolo niya? Naalala niya ang turo ng parents niya. Natutuwa raw  ang Diyos sa taong tapat. Nanaig ang takot ni Dino sa Diyos kaysa takot niya sa kanyang lolo. Kaya naman lakas-loob niyang inamin ang kanyang kasalanan. Laking gulat naman ni Dino na hindi panenermon o pagkukundena ang naghihintay sa kanya, kundi isang lolong mahabagin. Tuwang-tuwa ito sa honesty ng kanyang apo. In fact, inabutan pa nito ng premyo si Dino!  

Kadalasan, kapag nagkakasala tayo, hindi natural sa atin ang umamin kaagad. If we can get away with it or if we can hide it, kagaya ni Adam at Eve na nagtago  sa Diyos, o kaya naman tulad ng iba na deny-until-you-die. Aware ba tayo na lalo tayong napapalayo sa Diyos when we do that? Lalo tuloy tayong napapahamak. The Bible says na nabibigyan ng kasiyahan ang Panginoon kapag tayo ay nagsisisi, nagpapakumbaba, at umaamin sa ating pagkakasala! Nalulugod Siya kagaya na lamang ng tuwa ni Lolo Peping kay Dino.

Huwag tayong matakot na humarap sa Panginoon kapag tayo ay nagkasala. There is also no such thing as wrong timing. Lagi Siyang handang makinig, umunawa, gumabay at magpatawad. Wala Siyang pamalong bitbit. Hindi mabigat ang Kanyang kamay. In John 3:17 we read, “For God did not send his Son into the world to condemn the world, but to save the world through him.”

Patakbong umuwi ang ngumingiting Dino, na may bitbit na premyo. “Saan galing ’yang hawak mo?” tanong ng kapatid niya. Sagot ni Dino, “Just tell Lolo what you did wrong tapos bibigyan ka niya ng premyo.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat. Kahit ano pa ang aking nagawa, hindi N’yo ako itatakwil. Please forgive me, Lord. Salamat at ako’y Inyong hinintay na bumalik. Salamat sa pagpagpapatawad, sa pag-unawa, sa pagtanggap, sa kapanatagan at sa bagong panimula —mga premyong di masukat at di mabibili ng pera. Amen.

APPLICATION

Meron ka bang mga pinagsisisihan? Write them down at ilapit mo ang list sa Panginoon. Ask for His forgiveness and for wisdom kung may kailangan kang i-give up o itama. Share this with a friend who can pray for you.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 3 =