27
NOVEMBER 2026
Kahit Di Ka Magsalita
Tumangis si Jesus.
Juan 11:35
Maghapong hindi lumabas si Joanna sa kanyang kuwarto. Kinagabihan, kumatok sa pinto ang kanyang ama. Sumagot si Joanna, “Ayaw ko munang magsalita. Hayaan mo muna ako.” Sumagot ang kanyang ama, “Ayaw ko ring magsalita pero buksan mo ang pinto.” Pagpasok sa kuwarto, naupo at tinabihan ng ama ang anak. Nang makita niya ang kanyang ama, napahagulgol siya sa ama. Wala itong binitiwang salita o pangaral. Niyakap nito ang anak nang mahigpit at sinamahan hanggang tumahaan ito.
“Jesus wept” ang pinakamaikling Bible verse. Maiksi man ito, pero naglalarawan ito ng lalim ng compassion ni Jesus kina Mary at Martha sa paghihinagpis nila sa pagkamatay ng kanilang kapatid na si Lazarus. Kahit alam ni Jesus ang susunod na mangyayari, nakidalamhati Siya dahil ramdam Niya ang sakit ng pagkawalay na bunga ng pisikal na kamatayan. Kaya matapos manalangin, tinawag ni Jesus si Lazarus mula sa libingan at binuhay ito.
Masakit man na mawalan ng mahal sa buhay, pero ang pinakamasakit na maaaring maranasan ng tao ay ang permanenteng pagkawalay sa Diyos o spiritual death. Ito ang kabayaran ng kasalanan. Lahat ng mawawalay sa Diyos ay hahagulgol at manginginig sa sobrang hirap na mararanasan (Matthew 25:30). HIndi mahirap isipin na ramdam ng Diyos Ama ang magiging kalunos-lunos na kalagayagan natin kapag nangyari ito. Ayaw Niya na maranasan natin ito, kaya ipinadala NIya ang Kanyang Anak na si Jesus. Sa halip na tayo, Siya ang namatay sa krus para pagbayaran ang ating mga kasalanan. Matapos ang tatlong araw ay nabuhay Siyang muli. Ngayon, sinuman ang mananampalataya kay Jesus, mamatay man sa mundong ito, siguradong mabubuhay na walang hanggan. Lahat ng nanampalataya kay Jesus, tulad Niya ay mabubuhay muli sa takdang panahon. Naniniwala ka ba rito?
LET’S PRAY
Lord, inaamin ko na ako’y makasalanan at nangangailangan ng Inyong kapatawaran. Naniniwala po ako na namatay sa krus ang Inyong Anak na si Jesus Christ para sa aking kasalanan at nabuhay Siyang muli. Magmula ngayon, tinatanggap ko sa aking buhay si Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Amen.
APPLICATION
Kilalanin mo pang lalo si Jesus by reading the Bible regularly. Start with the book of John.
SHARE THIS QUOTE
