27
SEPTEMBER 2023
Kaligtasan
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.
Mga Taga-Efeso 2:8–9
Some people do good works to earn their salvation. They volunteer in a charitable organization, donate to a good cause, help those in need, use their talents for the benefit of others, and the list goes on and on. But no matter how many good works we perform, it will not be enough to overcome our sinful nature that we inherited from our first parents, Adam and Eve (Genesis 1–3). That is why we need the grace of God, who offers the precious gift of salvation, through His Son, our Lord Jesus Christ. But this gift will not be ours unless we accept it.
To receive God’s gift of salvation, kailangan nating pagsisihan at talikuran ang ating mga kasalanan, at kilalanin si Jesus na Tagapagligtas. Ang sabi nga ni Apostle John, “…kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9).
Kapag tinanggap natin ang kaloob na kaligtasan ng Diyos, we will be justified. Hindi na Niya tayo ikokondena (o parurusahan), manapa’y gagawin tayong matuwid sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesus. Gayundin, makatitiyak na tayo na meron na tayong buhay na walang hanggan. Ang sabi sa aklat ni Tito, “Masaganang ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang Espiritu Santo sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, upang tayo’y gawing matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob, at tayo’y maging tagapagmana ayon sa ipinangakong buhay na walang hanggan” (Tito 3: 6–7).
Good works are the results of our being saved by grace and becoming a new creation. (2 Corinthians 5:17). Dahil nakikipag-isa na tayo kay Cristo, sa biyaya Niya ay makakagawa na tayo ng mabubuting gawa.
LET’S PRAY
Panginoon, patawarin po Ninyo ako sa aking mga kasalanan. Tinatanggap ko po ang Inyong kaloob na kaligtasan sa pamamagitan ng Inyong Anak na si Jesus. Tulungan po Ninyo akong maipamuhay ang Inyong layunin sa akin para sa Inyong kaluwalhatian. Amen.
APPLICATION
Araw-araw, pasalamatan mo ang Diyos sa Kanyang kagandahang-loob at pagliligtas sa iyo.