28
SEPTEMBER 2023
Maling Hinayang
Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya’t ito’y naging isang haliging asin.
Genesis 19:26
Sa pagtanggap mo kay Christ as Savior and Lord at pagpapatuloy ng iyong journey as a believer, mari-realize mo na hindi ka na maaaring mabuhay na gaya ng dati. We give up the things that we used to enjoy na hindi appropriate sa Christian living. We are new creations (2 Corinthians 5:17). Pero habang tumatagal, kapag dumarating na ang trials at temptations at nakikita natin ang mga ibang tao na nag-e-enjoy doing whatever they please, minsan we look back on our old lives and wonder kung worth it ang trade-off.
Sa ganitong uri ng regret tayo dapat mag-ingat. Sa story ng Sodom at Gomorrah (Genesis 19), binigyan ng warning si Lot ng mga anghel ni Lord na wawasakin ng Panginoon ang dalawang cities na ito dahil sa kanilang wickedness. Sinabihan nila si Lot na umalis, huwag huminto at lumingon, at magtago sa kabundukan. Ngunit habang papalayo sila at umuulan ng apoy at asupre sa Sodom at Gomorrah, lumingon ang asawa ni Lot at siya’y naging haliging asin.
Marahil ay nanghinayang siya sa mga bagay na kanilang iniwan, o nag-alinlangan sa kakaharapin nila sa kanilang destination. Either way, in a moment, naging mas mahalaga sa wife ni Lot ang kanyang dating buhay kaysa sa kaligtasang nagmula kay Lord. She disobeyed the instruction not to look back, at buhay niya ang naging kapalit. Even Christ used this story as a warning when He told his disciples, “Remember Lot’s wife” (Luke 17:32, NIV). Kailangan nating iwanan ang ating worldly life if we are to follow Jesus.
Lagi nating i-remind ang ating sarili that we received from God a priceless gift and treasure: His only begotten Son. At walang anumang bagay sa ating buhay — past, present, or future — ang mas hahalaga pa kay Jesus.
LET’S PRAY
Lord, huwag ko sana panghinayangan ang mga naiwan kong bagay sa aking old life. Instead, may I look forward to the fullness of life in Christ.
APPLICATION
May mga aspect ba ng iyong dating buhay na nami-miss mo? Contrary ba ito sa mga sinabi ni Jesus? Naiinggit ka ba sa iba na nagli-lead ng isang worldly life? Make a list: Write down 2 things you miss about your old, worldly life. Then, write down 5 things that you have gained in your new life in Christ, and 5 things you can look forward to as you continue in this life. Isapuso mo ang gifts ng Panginoon and the truth that Jesus is your true treasure, now and forever.