11
DECEMBER 2022
Kanino Ipinabibigay ng Diyos?
Kailanma’y hindi kayo mawawalan ng mga kababayang mangangailangan, kaya sinasabi ko sa inyong ibukas ninyo ang inyong mga palad sa kanila.
Deuteronomio 15:11
Kailanman ay hindi mawawalan ng mga taong naghihirap.
Alam ng Panginoon na kahit gaano ka-progresibo ang isang bansa ay meron at meron pa ring mga kababayan na mangangailangan, and this is why He commands us to give. Deuteronomy 15:11 shows God’s heart to care for and make provisions for the poor.
Pero mahirap magbigay kung sakto lang ang meron ka o hirap ka rin sa buhay. You might ask, “Paano naman ako magbibigay, eh minsan kapos rin kami?” Perhaps it’s the reason why people don’t like it whenever they hear preachers and charities talk about giving.
But should we completely ignore God’s Word because of our own limitations? What should we do? Una, don’t think twice about giving to others, lalo na sa lubos na nangangailangan. You can be broke but have your basic needs met. You may lack in something but be abundant in another thing. As God gives us a roof above our heads and food on our tables, the least we can do is to share even a little of what we have.
Magbigay ng kahit konti. Magbigay ng lumang gamit. Mag-general cleaning ngayong linggo at ipamigay ang hindi mo na kailangan o bagay na kaya mo namang palitan ng bago. Magpahiram wisely and responsibly, yung tipong hindi mababaon sa hirap ang taong pinahiram. Mag-volunteer. Mag-alok ng libreng serbisyo paminsan-minsan. When our basic needs are met and we have something to offer to others, tanungin ang sarili, “Kanino kaya ito ipinabibigay ng Diyos?”
Maliit man o malaki, ang mahalaga ay maluwag sa puso ang pagbibigay. After all, God sees the condition of our hearts when we give. And our giving demonstrates our faith! Bakit tayo matatakot magbigay if we believe na patuloy na magpo-provide ang Panginoon? Have faith that when you take care of others, God will take care of you, too.
LET’S PRAY
Panginoon, salamat dahil binigyan Mo ako ng pagkakataong maging pagpapala sa iba. Tulungan po Ninyo akong maging bukas-palad at sensitibo sa kung ano ang maitutulong ko, kanino, at paano. May this giving honor You and draw me closer to You. Amen.
APPLICATION
Ilista ang mga bagay na maaari mong ipamigay. Think, “Kanino kaya ito ipinabibigay ng Diyos?” Identify at least one person and ask God to help you bless him/her this month. Click the tap to give button and consider giving to the ministry of CBN Asia.