16

FEBRUARY 2021

Kapag may bagyo

by | 202102, Devotionals, You

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Alice Labaydan"

Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka….Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. Namangha silang lahat at sinabi, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!”

Mateo 8:24, 26-27

Nakakatakot na tanawin ang iniwan ng Super Typhoon Yolanda sa Samar at Leyte noong 2013. Malalakas na hangin at matataas na alon ang nanalasa sa mga bayang ito na ikinamatay ng marami at ikinasira ng mga ari-arian. Kaya tuwing may super typhoon na parating, nagpa-panic ang mga tao. Alam natin mula sa na-experience natin sa Yolanda na hindi kayang pigilan ng tao ang storm surge.

Nag-panic din ang mga alagad ni Jesus nang datnan sila ng malakas na bagyo sa lawa at halos matabunan ng alon ang bangka nila. Natakot sila kaya mabilis silang nagpunta kay Jesus na noon ay natutulog. Nang magising si Jesus, sinabi Niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng pananampalataya ninyo!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin, at tumahimik ang paligid.

Kapag natatakot tayo, gaya ng nangyari sa mga alagad ni Jesus, hindi tayo makapagdesisyon nang tama. Madalas nakakalimutan natin na alam ng Diyos ang kalagayan natin. Katulad nila, hindi natin naiisip na kasama natin sa bangka ang Savior nating si Jesus. And Jesus, our Savior, also has power over nature kasi Siya ang gumawa sa mga ito.
Kahit natatakot, hindi pa rin nakalimutan ng Sri Lankan-born missionary na si Dayalan Sanders ang kapangyarihan ni Jesus nang nakita niyang paparating ang tsunami sa lugar nila. Kaya para maprotektahan ang mga alaga niyang orphans, itinaas niya ang kamay niya at sumigaw siya, “I command you in the name of Jesus, stop!” For a moment, bumalik sa dagat ang tsunami kaya nakatakas si Sanders at ang mga bata.

Let us not forget that God is in control of everything—natural man iyang bagyo o bagyo ng buhay. Jesus is powerful at kaya Niyang patigilin ang mga nakakapinsala sa atin. Let us trust Him, and He will calm our fears. Let us put our faith in Jesus so that through Him, we can have the strength and courage to face the storms in life. Meron ka bang kinakaharap na storm ngayon? Imagine Jesus commanding the storm to stop. Kasama mo Siya ngayon; huwag ka nang matakot.

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, I praise You because You have power and authority over everything. Thank You that You can command every storm to be calm and make me safe. Amen.

APPLICATION

Ano ang natutunan mo ngayon na dapat mong gawin kapag may nararanasan kang “bagyo” ng buhay?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 8 =