12

AUGUST 2022

Kay Jesus ang Tagumpay

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Joshene Bersales

Wawasakin ka nila at lilipulin ang lahat ng iyong mamamayan. Wala silang iiwanang magkapatong na bato sapagkat hindi mo pinansin ang pagdalaw sa iyo ng Diyos.

Lucas19:44

Taal Volcano eruption. Typhoon Rolly. Napakaraming sakuna ang dinanas ng Pilipinas noong 2020. Idagdag pa rito ang pagkamatay ng libo-libong Pilipino dahil sa kahirapan at krimen. At marami ring trahedya ang nangyari sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang salot ng locusts sa Africa. Ang Syrian civil war. At syempre, ang COVID-19 pandemic.Lahat ng mga ito’y nagdulot ng dalamhati sa dimabilang na tao.

Saan mang lugar, anumang panahon, hindi nawawala ang paghihirap at pagdadalamhati. Sa panahon ni prophet Jeremiah, napakaraming bagay ang dapat ipagluksa. Hindi man sila inatake ng locusts, salot naman ng idolatry ang kumalat sa bayan ng Israel. Jeremiah tried so many times to warn the Israelites na talikuran ang kanilang mga diyos-diyosan at bumalik sa Panginoon, pero hindi sila nakinig. Walang nagawa si Jeremiah but to weep and mourn — para sa kanyang mga kababayan, para sa trahedyang alam niyang mangyayari as a result of their unfaithfulness.

Tulad ni Jeremiah, nagdalamhati rin si Jesus para sa bayan ng Israel. Sa Luke 19:4144, matapos ang Kanyang triumphal entry sa Jerusalem, hindi napigil ni Jesus na maluha dahil alam Niya ang suffering na mararanasan ng Kanyang bayan because of their unbelief.

Do you grieve for the suffering of the world? Para sa paghihirap ng iyong mga kababayan? Naiintindihan ka ni Jesus. Siya rin ay nagluluksa para sa atin. And when you feel that the grief is overwhelming, take comfort in the reminder na na kay Jesus pa rin ang victory. Tulad ng Kanyang tagumpay over sin when He died on the cross and rose again, magtatagumpay din Siya over all the sufferings in the world.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, sobra akong nasasaktan dahil sa nararanasang paghihirap ng mundo ngayon, but I find comfort dahil alam kong Ikaw pa rin ang magtatagumpay sa huli.

APPLICATION

Update yourself sa mga nangyayari sa bansa by reading news from reliable sources. Then take the time to pray for our country. Don’t forget to swipe left to use your Prayer List.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 12 =