11
AUGUST 2022
Mga Bagyo ng Buhay
Kinagabiha’y sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya’t iniwan nila ang mga tao at sumakay sila sa bangkang sinasakyan ni Jesus upang tumawid ng lawa … Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya’t ang bangkang sinasakyan nila’y hinampas ng malalaking alon at ito’y halos mapuno na ng tubig. Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan … Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa.
Marcos 4:35–39
Ano ang worst storm na naranasan na ninyo? Dito sa Pilipinas, there were many storms within the past decade or so that struck us hard, killing thousands of people and destroying properties. Andyan ang Typhoon Yolanda noong 2013, Typhoon Pablo noong 2012, at Typhoon Sendong noong 2011, and more recently, Typhoon Ulysses in 2020. Sa US, ang isa sa deadliest in recent history ay ang Hurricane Katrina na nangyari noong 2005.
Nakaranas din ang disciples ni Jesus Christ ng mga storms na gaya nito. Sa sobrang lakas, nayanig ang kanilang bangka at muntik-muntikan pang tumaob. Ang lahat ay nag-aalala at natatakot, maliban lamang kay Jesus na nahihimbing sa pagtulog. Sa sobrang takot nila, ginising nila si Jesus at ang sabi ay parang ganito, “Hindi ba kayo nag-aalala at mamamatay na tayo?”
Now you must understand that this incident happened right after Jesus’ miraculous multiplication of loaves and fishes. Nakita ng bawat disipulo ang miracle na ginawa ni Jesus — at lahat sila ay na-impress. Pero bakit ngayon, pagkatapos ng insidenteng iyon, ay namangha ulit sila, pero ang pagkamanghang ito ay may kasamang takot at pag-alala? Inaddress ni Jesus ang kanilang pag-aalala nang Kanyang sinabi: “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba’y wala pa rin kayong pananampalataya?”
After experiencing how Jesus Christ has miraculously saved you from debt, sickness, or from broken relationships, do you sometimes feel that it was just a one-time deal? Do you ever doubt and feel that it won’t happen again?
But Jesus Christ is powerful. Kung ano ang mga ginagawa Niya noon ay kaya Niyang gawin ngayon para sa iyo — nang paulit-ulit, na kayang magpatigil sa bagyo na kasinglakas ng naranasan ng disciples. Sabi nga Niya na if we have faith as small as a mustard seed, we can move mountains. Ang tanging hiling lang Niya sa atin ay magtiwala sa Kanya. And just like Jesus, we can be sleeping peacefully amidst the storms of life.
LET’S PRAY
Lord Jesus, when the storms of life come, I pray that I am rooted in You and Your Word. Bigyan Mo po ako ng lakas na magtiwala sa Iyo dahil alam kong alam Mo ang ginagawa Mo. Bigyan Mo ako ng pusong hindi nag-aalala, pusong hindi nababahala, at pusong tahimik at may peace when the storms of life come.
Knowing how powerful and sovereign You are should already give me reason to be peaceful amidst the storms of life. Thank You, Jesus, for Your peace which surpasses understanding.
APPLICATION
Think about the storms in your life, and how God was able to save you from it. Read and meditate on today’s verse.