13

AUGUST 2024

Kaya Nagkrus ng Landas

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Marlene Legaspi-Munar

Kaya patakbong lumapit si Felipe at narinig niyang binabasa ng pinuno ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong ni Felipe ang pinuno, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?” Sagot naman nito, “Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” At si Felipe ay inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa kanyang tabi.

Mga Gawa 8:30–31

Isang foreigner ang pumara sa jeep na sinasakyan ni Felipe. Dahil nakaupo si Felipe sa tabi ng driver, narinig niya nang magtanong ang foreigner. “Punta, SM?” Umiling ang driver. Ipinaliwanag nito sa broken English ang daan papunta sa mall, pero mukhang hindi siya naintindihan ng nalilitong foreigner. Kaya nag-volunteer si Felipe na bumaba ng jeep at ituro sa foreigner kung saan siya sasakay. Ginawa ito ni Felipe kahit na magdodoble siya ng sakay at pamasahe para lang maituro ang tamang daan sa foreigner. Ginawa niya ito kahit na maaabala ang lakad niya. Alam niya kasi ang pakiramdam ng mapunta sa ibang bansa at maligaw. Ayaw niyang maranasan ito ng foreigner.

Thousands of years earlier, may isa ring Felipe o Philip na nagturo sa isang foreigner ng tamang daan — ang daan ng kaligtasan. In Acts 8:26–39, mababasa natin how an angel directed Philip to go south. There he crossed paths with an Ethiopian eunuch. Nang makita niya ang Ethiopian officer na sakay ng chariot, sinabihan siya ng Espiritu ng Diyos na makisabay. Doon narinig ni Philip na binabasa ng Ethiopian ang part sa Book of Isaiah na tumutukoy kay Jesus. Tinanong ni Philip kung nauunawaan ng Ethiopian ang kanyang binabasa. Sumagot naman siya ng, “Hindi nga e! Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” Philip then began with that passage of Scripture and told him the good news about Jesus. Ang ending ng story? The Ethiopian believed in Jesus and was baptized.

Believers of Jesus are called to share the good news about Him. Pero minsan, mukhang hindi ideal ang situation para gawin ito. Papupuntahin tayo ng Diyos sa malayong lugar, may language barrier, kailangang maglabas ng pera, at kung ano-ano pang maituturing na sagabal. Pero ang kaligtasan ng kahit isang kaluluwa ay mahalaga sa Diyos (Luke 15:7). It would be our privilege to point people to Jesus and to share the joy of their salvation.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Here I am, Lord, use me to share the gospel to someone who needs to hear it now.

APPLICATION

Plan to read in its entirety one of the Gospels (Matthew, Mark, Luke, John) to be familiar with the life, death, and resurrection of Jesus. Makakatulong ito when you share the good news about Jesus to others.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

1 + 2 =