13

JULY 2023

Knowledge Is Power

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Celeste Endriga-Javier & Written by Celeste Endriga-Javier

Welcome back to our series “Maging Matalino.” Narinig nyo na ba ang kasabihang “Knowledge is power”? Alamin natin ngayon kung anong pakinabang kung marami tayong alam.

Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman, ang may unawa’y namumulot pa ng karunungan.

Kawikaan 18:15

Parang saranggolang matayog ang lipad si Maite. Matikas. Taas-noo pag naglalakad. Kung makatingin sa iba ay parang nanunukat. Maayos ba ang pananamit nito? Tama ba ang kanyang diction? Iyan ang tumatakbo agad sa isip niya kapag may taong kaharap. Mataas kasi ang kanyang pinag-aralan at graduate pa ng isang prestigious university. She considers herself well-bred, pero sa tingin ng iba tila minsan ay kulang siya sa area ng good manners. And according to her, she’s read the Bible cover to cover, many times over. “The Bible is all I need,” sabi niya, “Kung hindi ‘yan biblical eh, I won’t be wasting my time.”

Once, bumisita si Maite sa kanyang college friend na si Edward. They watched the television game show Jeopardy. Excited si Edward na sumagot ng mga tanong sa game show. Tahimik lang si Maite, kunwari ay no care na lang siya. “Hindi naman biblical ang mga tanong at sagot na pinag-uusapan diyan,” katwiran niya. “Ha?” napanganga si Edward, “but knowledge is power! Kahit papaano may matututunan ka rin sa show.”

The Bible says, “Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman, ang may unawa’y namumulot pa ng karunungan” (Kawikaan 18:15). Base sa verse na ito, tama naman yata ang sinabi ni Edward, at tila may himig ng pagyayabang naman si Maite. Ano sa tingin mo?

God is the source of all knowledge — true and good knowledge. Let’s use what we have learned to encourage others and bring them to Christ. Bukas, last part na ng ating series na “Maging Matalino” kaya samahan ninyo kami uli ha!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, pakitingnan nga po ang aming mga pag-iisip. Kung kami ay nagiging too heavenly minded that we are losing our earthly good, paki-rebuke po ang aming kayabangan. Teach us to be humble and to have a mind that is willing to learn para po magamit Ninyo kami more effectively in Your kingdom. Holy Spirit, we submit our minds to Your correction. We pray this in the loving name of our Lord Jesus Christ. Amen.

APPLICATION

Learn something new today. Perhaps watch videos about a different culture. Cook a dish based on a new recipe. Read about the life of a modern-day hero, study another language, or simply sing a new song. Do an in-depth study of the Bible. Won’t you then become more knowledgeable in reaching out to others for God?

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 9 =