14

JULY 2023

Makinig sa Payo

by | 202307, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Timmy Yee

Welcome sa last part ng ating series na “Maging Matalino.” Let’s find out the importance of listening to godly advice.

Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.

Kawikaan 13:18

Nang dahil sa Internet mas naging madali ang paghahanap ng information, hindi tulad dati na maghahanap ka pa ng libro sa library para makita mo ang kailangan na information. Dahil dito, marami ang hindi na nakikinig sa advice ng mga mas nakatatanda. Ang iniisip ng mga tao ngayon, passé na or hindi na relevant ang ideas at iba pang kaalaman ng mga matatanda.

But years of experience cannot be simply taught by Google or any book. The lessons people learned from wrong decisions are vital and can serve as helpful advice for us who are still traversing our paths in life. So, when we hear information or advice from those who have more experience than we do, those who have learned from the past, let’s listen and take note. These could help us avoid mistakes in the future. When we don’t listen to the warnings of others, we may be heading toward more troubles than we expect. Sabi nga ng Kawikaan 13:18, “Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig sa saway, ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.”

Pero tandaan natin that there’s no better advice than advice that comes from God’s Word. Hindi malalaos ang salita ng Diyos. Ito ay relevant noon, ngayon, at magpakailanman. Kaya kung gusto mo ng tamang advice, listen to those who know God’s Word, and ikaw mismo, maaari mong pag-aralan ang Biblia. Ang aklat ng Kawikaan ay punumpuno ng mga practical na payo sa buhay. So, let’s be teachable; makinig tayo sa payo, sa maka-Diyos na payo.

As believers, we can always ask God for wisdom at tiyak na gagabayan tayo ng Panginoon sa lahat ng bagay. Hindi natatapos ang pag-aaral at pag-iipon ng knowledge, pero ang pinakamahalagang matutunan ay ang karunungang pinagkakaloob ng Diyos. Thank you for joining us. See you tomorrow!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, inaamin kong hindi ko alam ang lahat kaya nais ko pang matuto. Tulungan Mo akong maging teachable, willing to learn and obey. Salamat na magpapadala ka sa buhay ko ng mga taong magpapayo sa akin mula sa Salita ng Diyos.

APPLICATION

Kung merong mas nakatatanda sa iyo, gaya ng magulang o lolo na na-disrespect mo dahil tingin mo ay mas marunong ka sa kanila, bakit hindi ka magsabi ng “sorry” at magbigay ng nararapat na pagrespeto sa kanila? Tanda ito ng pagiging matalino at mapagkumbaba.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 10 =