12

APRIL 2021

Kontra-Balisa

by | 202104, Courage, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jocelyn Rayton & Written by Deb Bataller Arquiza

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Filipos 4:6

Tambak na naman ang projects at requirements sa school at sinabayan pa nang final exams.  Sunod-sunod ang pinapagawa ni boss sa office at may deadlines ka na kailangang ipasa by the end of the day. Next week pa ang sahod pero ang laman ng wallet mo ay hindi na sasapat ng isang linggo dahil sa dami ng mga bayarin.

At nagsimula ka nang mamroblema, mag-worry, matakot, ma-stress at ma-pressure. Walang oras na hindi laman ng isip mo ang mga problema.  Ang tawag diyan: Anxiety.

Ayon sa Merriam-Webster dictionary, ang anxiety ay konektado rin sa mga salitang worry, fear, troubled, stress, at tense. Nagiging anxious tayo kapag sobra tayong mag-worry. At hindi ito healthy para sa ating pisikal na kalusugan at isip.

In reality, walang problema ang naso-solve ng pagwo-worry at pagkabalisa natin. Napagod at na-stress ka lang kaka-isip pero wala namang nagbago sa sitwasyon mo.

On the other hand, may alternative na inoffer ang Bible para ma-deal natin nang tama ang ating mga problema. Ang sabi sa Filipos 4:6, “Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.”  Sa makatuwid, prayer pala ang mabisang pangontra natin sa anxiety.

Napakagandang pangako! Through prayer, puwede nating hingin kay Lord ang lahat ng ating pangangailangan. Lahat! At hindi lang iyon, sa tuwing tayo ay nananalangin nang may pasasalamat, “ang kapayapaan ng Diyos ang siyang mag-iingat sa ating puso at pag-iisip…” (Filipos 4:7) At kung tayo ay may peace na galing kay Lord, walang lugar ang worry at anxiety dahil secured tayo sa mga pangako Niya. Sa pamamagitan ng panalangin, nakakakuha tayo ng guarantee na hindi tayo pababayaan ni Lord. Hindi mo na kinakailangang maging alipin ng anxiety. Prayer is the key!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear God, nakikita Ninyo ang tendency ko na maging balisa sa oras ng problema. Tulungan Ninyo ako na maging mapanalanginin sa lahat ng oras at idulog sa Inyo lahat ng aking pangangailangan. Bigyan Ninyo ako ng kapayaan sa aking isip at puso. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

I-memorize ang Filipos 4:6-7. At sa tuwing ikaw ay nate-tempt na mag-worry at maging anxious, sabihin mo sa Diyos ang ipinagwo-worry mo at ipagpasalamat mo na ang padalang tulong Niya.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 11 =