9

MARCH 2023

Kumusta, mga Mare?

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Thelma A. Alngog

Welcome back to our series “Sharing the Good News”. May kilala ka bang “Marites”? Kilalanin natin ang mga “Marites” ng Bible sa ating devo ngayon.

Naalala nga ng mga babae ang mga sinabi ni Jesus noong una, kaya’t umuwi sila at isinalaysay nila sa labing-isa at sa iba pa nilang kasamahan ang buong pangyayari. Ang mga babaing ito’y sina Maria Magdalena, Juana, at Maria na ina ni Santiago; sila at ang iba pang mga babaing kasama nila ang nagbalita sa mga apostol.

Lucas 24:8–10

Isang grupo ng active members ng homeowners association ang nag-ipon-ipon. Ang head nila ay itago natin sa pangalang Marites.

“Kumusta, mga mare?” ang tanong ni Marites kay Marikit. “Anong latest?”

“Tatakbong presidente ng asosasyon si…alam mo na kung sino,” sagot ni Marikit.

“Bakit naman siya ganun, mga mare? Never ko na siyang iboboto sa next election ng homeowners,” sabi naman ni Marissa.

“Hala, ganun ba talaga siya? Kapag ganyan huwag natin siyang iboto,” sulsol naman ni Marisol.

Sumingit si Marijo, “Uy pajoin naman sa chismisan.”

“Tawagan ninyo ko uli. Magsasaing muna ko!” ang bilin naman ni Marita.

Mahabang bulungan at hagalpakan — ganyan ang buhay ng mga mare ninyo! Naeenjoy nilang pag-usapan ang latest news tungkol sa ibang tao. Minsan, they tear down others instead of build them up.

Kakaiba ang six women in the Bible who are associated with the ministry of Jesus and His crucifixion, burial, and resurrection. Joanna (the wife of Chuza), Mary Magdalene, Susanna, and many others helped to support the ministry of Jesus (Luke 8:1–3). Syempre, kasama rin nilang sumuporta sa ministry ni Jesus ang ina niyang si Mary at ang isa pang Mary na asawa ni Cleopas; pati na rin si Salome na ina naman nina James at John. Sila ang mga babaeng naka-witness sa crucifixion ni Jesus (Mateo 27:55–56; John 19:25). Ilan din sa kanila ang nakadiskubre na wala na ang bangkay ni Jesus sa libingan at nakarinig sa balita ng anghel na nabuhay na muli si Jesus. Kaya ibinalita nila sa mga disipulo ang buong pangyayari.

Kaya mga mare, gaya nila, ipamalita rin natin ang Mabuting Balita tungkol kay Jesus. Mag-join tayo sa Bible study or mag-support sa ministry ng church. Maraming fruitful activities na dapat iprioritize. Magagamit ka ni Lord sa maraming paraan.

Gamitin natin ang ating oras na pagbabahagi ng Mabuting Balita tungkol kay Jesus. And we hope you’ll find the time again tomorrow to join us in our series “Sharing the Good News”.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat po dahil tinuturuan Ninyo kaming gamitin ang aming mga bibig to speak life. Just like these women in the Bible, I believe that you died and rose from the dead. Use my mouth to fulfill my true purpose in life. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Refuse to gossip and backbite. Speak words that build up your spouse, children, relatives, and neighbors. Use your time to do productive activities like Bible studies and prayer meetings. And share our Tanglaw devotional to others.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 14 =