16

MAY 2023

Labis na Paghahangad

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Kata Inocencio & Written by Michellan Alagao

Kahapon, we learned that as stewards of God-given treasures, we are to use money for the good of others. Pakinggan naman natin ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa contentment as we continue our series “Stewardship of Treasures.”

“Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito’y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

Lucas 12:20–21

Covetousness. Ito ‘yung sobrang paghahangad. ‘Yung saganang-sagana ka na, pero ang nasa isip mo pa rin, “more.” Ang pagiging selfish ay nakaugat sa ating sin nature. Lagi nating naririnig na lumalabas ang tunay na kulay ng mga tao pagdating sa pera, sa kayamanan. Ngunit masama nga ba ang yumaman? Ang maghangad ng masarap na buhay?

Hindi masama ang pera o kayamanan on its own. In fact, ito ay nagmula rin sa Diyos (1 Mga Cronica 29:12). Ngunit ito ang warning ni Jesus, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan” (Lucas 12:15). Hindi tayo nabubuhay para lamang mag-accumulate ng yaman. Ang issue dito ay kung nasaan ang ating focus. We belong to God; dapat tayong mabuhay para sa Kanya. Sa paghahangad ng sobrang yaman at enjoyment, nabubuhay tayo na para lamang sa ating mga sarili. Ito ay worldliness at hindi ito galing kay Lord. Ang yaman na dapat nating i-desire ay ‘yung nasa langit, na hindi kayang sirain ng insekto o kalawang, at hindi maaaring manakaw (Mateo 6:19–20). Sa pamamagitan ng pagse-serve kay Jesus at pagtulong sa iba, we store up treasures in heaven. Sa ating pagtanggi sa temptation ng labis na kayamanan at pagpapasarap, nagkakaroon tayo ng opportunity na gawing priority si Jesus sa ating buhay. Pagkakataon na magkaroon ng godliness and contentment, mga bagay na tunay na kapaki-pakinabang (1 Timoteo 6:6).

Alalahanin natin na ang pag-ibig sa salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan (1 Timoteo 6:10), kaya ingatan natin na huwag tayong mahulog sa temptation ng labis na paghahangad.

We hope you’ll tune in again tomorrow for our series “Stewardship of Treasures.” Kita-kits!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, bigyan po Ninyo ako ng contentment. Tulungan Ninyo akong huwag ubusin ang buhay na binigay Ninyo sa pagpapayaman at pagpapasarap. Help me live for You.

APPLICATION

Priority ba sa buhay mo ang pag-iimpok ng kayamanan sa langit? Reflect on how you are using your wealth while you are still here on earth and make changes, if necessary, ayon sa sinasabi ng Salita ng Diyos.

INSPIRATIONAL QUOTES

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 15 =