25

APRIL 2021

Let Justice Roll Down!

by | 202104, Compassion, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
"
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Michellan Kristine S. Alagao

Padaluyin ninyo ang katarungan, gaya ng isang ilog; gayundin ang katuwiran tulad ng isang di natutuyong batis.

Amos 5:24

Maraming verse sa Bible na tungkol sa justice, at isa na rito ang Amos 5:24. Ipinahiwatig ni Amos ang galit ng Diyos sa mga taong yumayaman dahil sa pang-aapi ng mga mahihirap. No holds barred si Amos sa kanyang mga sinabi at walang takot na pinaalala sa mga tao noong panahon na iyon na ang nais ng puso ng Diyos ay ang magkaroon ng katarungan at katuwiran sa bansa.

Bilang believers, hindi natin inaapi ang mahihirap o kung sino mang tao. Ngunit may times na nagiging “cynical” tayo sa harap ng kawalan ng katarungan sa bansa. Kapag may nabalitaan tayong isa na namang politician na nasangkot sa corruption o scandal, ang unang reaction natin ay “Eh, ganyan naman talaga sila eh, panay trapo.” Tuwing may naaapi na mahirap, naaawa tayo pero hanggang doon na lang. Hindi man natin sabihin out loud o aminin sa iba, sa tingin natin, ganoon talaga at wala na tayong magagawa. Hindi magbabago ang sistema sa bansa natin. Ganito ba ang feeling mo minsan?

Totoo na dahil sa kasalanan, broken ang mundo at sinful ang mga tao. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay wala tayong dapat gawin o hindi na tayo pwedeng tumulong sa kapwa natin na naghahanap ng hustisya, sa abot ng makakaya natin. Nais ng ating Diyos na “padaluyin natin ang katarungan, gaya ng isang ilog.” Ito ang nais ng puso Niya, at dapat din nating naisin bilang mga anak Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, hindi nga pala ako dapat maging cynical at mawalan ng hope na magkakaroon ng tunay na katarungan sa bansa namin. You are a just God at nais Ninyong padaluyin namin ang katarungan. Tulungan Ninyo akong maging instrument of Your justice, kahit sa maliit na paraan.

APPLICATION

Maraming paraan upang labanan ang injustice sa pangaraw-araw na buhay. Isa na dito ang paggamit ng social media. This week, mag-research ka online tungkol sa iba’t-ibang Christian NGOs, foundations, at churches na tumutulong sa mga biktima ng injustice. Mag-share ka ng posts tungkol sa mga organization na ito at isama mo sila sa iyong Prayer List. Kung nili-lead ka ni Lord na magbigay sa kanila financially o mag-volunteer, gawin mo agad.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 14 =