1
MARCH 2025
Let Nothing Be Wasted
Nang makakain na ang mga tao, sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Ipunin ninyo ang lumabis nang di masayang.”
Juan 6:12
“Maraming batang nagugutom sa kalsada, ubusin mo lahat ng kanin sa plato mo.” Isa ito sa mga paalala ng mga nanay na maririnig natin araw-araw sa mga hapag-kainan. Lalo na sa hirap ng buhay ngayon, bawat butil ng bigas ay may value. Ito rin siguro ang isa sa mga katotohanang gustong ituro ni Jesus sa Kanyang disciples during one of His greatest miracles, the feeding of the 5,000. Kahit kaya ni Jesus magprovide ng unlimited bread para sa lahat, He asked His disciples na kunin ang mga sobrang tinapay. This shows Jesus cares for every little bit of resource. Ayaw Niyang may nasasayang.
Katulad ng tinapay, ayaw din ni Lord na masayang ang ating buhay. He values each one of us as if there is only one of us. Ganoon tayo kamahal ni Jesus. He proved it by giving His life for us through the cross. He wants us to experience a full and everlasting life. Ngunit paano ba natin ito gagawin? How can we live a life na hindi sayang?
Let’s start by surrendering our lives to Jesus Christ. Siya ang Master at Maker nating lahat at alam Niya ang purpose ng buhay natin (Mga Taga-Efeso 2:10; Awit 139). As we hear His voice and obey His Word, we can use and manage the gifts He gave us. Ito ay ang ating time, talents, treasure, truth, and testimony. He also is with us through the Holy Spirit, ensuring that we are guided and comforted.
At the end of the day, we all want to live a life with no regrets. Don’t waste your life. You are loved. You are valued. Hindi sayang ang buhay mo at huwag mong sayangin ito.
LET’S PRAY
Lord Jesus, salamat for reminding us that we are valued and loved. Help me become a better steward of the life You gave me. Amen
APPLICATION
Be intentional on how you manage your 5 Ts in life: Time, Talent, Treasure, Truth, Testimony. Ask God for wisdom to be a good steward of these areas.
SHARE THIS QUOTE
