12

SEPTEMBER 2024

Let Your Hair Down

by | 202408, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Yna S. Reyes

Nang mabalitaang kumakain si Jesus sa bahay ng naturang Pariseo, isang babaing itinuturing na makasalanan sa bayang iyon ang nagpunta roon na may dalang pabangong nasa sisidlang alabastro. Umiiyak siyang lumapit sa paanan ni Jesus, at hinugasan ng kanyang luha ang mga paa nito. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok ang mga paa ni Jesus, hinalikan ito at binuhusan ng pabango.

Lucas 7:37–38

Marami ang nagsasabi na ang buhok ng isang babae ang kanyang crowning glory. Ito siguro ang reason kung bakit sobrang daming brands ng shampoo at conditioner sa merkado. At malakas ang negosyo ng mga beauty salon at hair stylists. Ayaw na ayaw ng mga kababaihan na magkaroon ng bad hair day! A woman’s hair is for her beauty and glory. That’s why OK lang for many women na gumastos nang malaki just to get the perfect hairstyle.

Pero may isang babae na walang pakialam kahit marumihan ang kanyang buhok. In fact, ginamit niya itong pampunas sa paa ni Jesus. Take note, galing si Jesus sa paglalakad sa maalikabok na daan ng Jerusalem. Sandalyas ang suot Niya, hindi medyas at sapatos. For sure, marumi ang paa ni Jesus at that moment. And yet, this woman wiped Jesus’ feet with her hair, kissed Jesus’ feet, and poured expensive perfume on them. At ang pabangong ibinuhos niya sa mga paa ni Jesus ay katumbas ng one-year salary of a worker in the Roman province!

What this woman did was an act of selfless love and devotion. Bakit niya ito nagawa? Dahil “malaki ang kanyang pagmamahal [kay Jesus] sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya” (Lucas 7:47). This woman was known in town for being a sinner — yung tinatawag nating babaeng mababa ang lipad. But Jesus received her and forgave her sins.

Walang katumbas ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. This woman understood that. And so, she knelt down at the feet of Jesus and offered Him all she had.

Friend, humarap ka na ba kay Jesus para humingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan? Have you received His forgiveness? If yes, paano mo ipapakita sa Kanya ang pasasalamat mo at pagmamahal? What do you have that you can offer Him in worship and in love?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, patawarin Mo po ako sa aking mga kasalanan. Forgive me for not loving You enough. Help me live for You with selfless love and devotion.

APPLICATION

In what concrete ways can you show Jesus your love and devotion? Write them down and begin doing one today.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

15 + 5 =