1

MARCH 2023

Lista Dito, Lista Doon

by | 202303, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Abi Lam-Parayno

Nawa’y sumainyo ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Filemon 1:25

Mahilig ka bang maglista? Palagi ka bang naglilista ng mga need to buy, things to do, at movies to watch? O baka naman listahan ng mga taong may atraso sa iyo ang nililista mo? Karamihan sa atin malamang ay may laging katabing notebook at ballpen o kaya naman ay notepad app sa cellphone. Mas madali nga namang matandaan ang mga bagay-bagay kung sinusulat natin, hindi ba? Limitado lang din kasi ang ating naaalala lalo na’t sa panahon ngayon na fast-paced ang lahat.

Pero alam ba ninyo na kung mayroon mang listahang dapat nating simulan, ito ay ang List of Answered Prayers? Tuwing may sinagot si Lord sa panalangin mo, jot that down. Keep a record of blessings, not of wrong things! Kahit anong liit ng blessing na ‘yan, why don’t you keep track of it? Hindi ka na-late pagpasok sa office, ilista! Good mood si bossing today at nag-announce ng salary increase, thank the Lord! Nakapag-get together ka with your friends online dahil lumakas bigla ang Internet connection mo, idiretso mo sa listahan ‘yan! Makikita mo, hahaba at hahaba ang listahan mo dahil sa napakaraming blessings na binibigay sa iyo ni Lord araw-araw!

Sa dinami-rami ng mga umaagaw sa ating atensyon, there’s always the tendency to be distracted and be insensitive even when God is already blessing us. Sometimes, what sticks to us are the negative things that are happening around us, to the point na hindi natin napapansin, o di kaya’y nakakalimutan natin ang pagpapala ng Panginoon. Tandaan mo, ang pagpapala ng Diyos ay laging sumasaiyo dahil kay Jesu-Cristo!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Lord, You are indeed a generous Father. I am always blessed because You delight in blessing me. May I always be reminded of how much you love me. Help me to focus on the wonderful ways You are showing me that love. In Jesus’ gracious name I pray. Amen.

APPLICATION

Sa linggong ito, ilista sa iyong Prayer List ang hindi bababa sa tatlong blessings na binigay ni Lord sa iyo kada araw. Sigurado akong sosobra iyan sa tatlo. Pagkatapos ay pasalamatan Siya sa kanyang pagpapala sa buhay mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 8 =