28

FEBRUARY 2023

Late Ka na Naman

by | 202302, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Joshene Bersales

Ang hinahon ay nagpapakilala ng kaunawaan, ngunit ang madaling pagkagalit ay tanda ng kamangmangan.

Kawikaan 14:29

Dalawang oras late si Annie sa dinner nila ni Dan. Pagdating sa café, nakita niyang nakatulog na pala ang kaibigan sa upuan niya. May isang libro at dalawang tasa ng kape sa mesa nito.

Hiyang-hiya si Annie habang ginigising ang kaibigan. Hindi siya tumitigil sa pagso-sorry habang naglalakad sila papuntang restaurant. “Sorry talaga,” naiiyak na sabi niya. “Hindi ko inexpect na masisira yung tren.”

Kahit pupungas-pungas, nakuha pa ring ngumiti ni Dan. “Okey lang,” natatawang sagot niya. “At least natapos ko ‘yung book ko!”

Na-experience mo na ba ang naranasan ni Dan? Paano ka mag-respond sa mga taong late dumating sa usapan ninyo? Nagagalit ka ba? O do you patiently wait sa pagdating nila? Natural lang naman na mainis kapag hindi dumadating on time ang kausap natin. Pero how we react sa inis na ito shows our character.

Gawin nating example si Jesus kung paano maging patient sa ibang tao. Sobrang haba ng pasensya Niya sa Kanyang disciples, kahit marami silang kapalpakan (Mark 9:14–29). Never Niya sinungitan ang mga lumapit sa Kanya para magpagaling (remember ang babaeng palihim na hinawakan ang laylayan ng damit ni Jesus sa Luke 8:40–48?). Kahit ang Pharisees na laging gigil sa Kanya, maayos pa rin Niyang pinakitunguhan.

Next time na may ma-late kang kaibigan, lalo na kung valid ang reason niya, bakit hindi mo subukan magpakita ng grace sa kanya? Instead na magalit, piliin mong unawain siya, the way na inunawa ni Jesus ang mga tao sa paligid Niya noon. The way na patuloy Niya tayong inuunawa ngayon.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, salamat for being the perfect example of patience. Tulungan Ninyo akong magpakita ng grace and patience sa ibang tao, tulad ng pagpapakita Ninyo nito sa akin.

APPLICATION

Next time na may imi-meet na kaibigan, magdala ng libro habang naghihintay. Kapag na-late ang kausap, huminga nang malalim at hayaan siyang mag-explain kung bakit siya late, instead na automatic na magalit sa kanya.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

12 + 5 =