27
MARCH 2026
Living a Life With Purpose
Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.
Mateo 5:16
Kung ikaw ay isang cellphone na wala nang charger at meron ka na lamang 20% battery charge, saan mo gagamitin ang nalalabing porsyentong ito? Maglalaro ka ba ng games? Magpo-post sa social media? Magbabasa ng devotional? Or tatawagan ang mga mahal mo sa buhay?
Kung pinili mong maglaro, ito ay marahil dahil ayaw mo ng stress sa buhay. If tinawagan mo ang iyong kapamilya, then maybe it means you value relationships. Anuman ang naging sagot mo, ang 20% na ito somehow symbolizes your core values in life. Maaaring nagre-reflect ito ng mga bagay na importante sa iyo na isinasabuhay mo.
This is a good reminder for us about how we live our lives according to God’s purpose. Alam mo bang puwede kang maka-bless ng tao sa pag-post mo lang ng encouraging word sa social media mo? Or ‘yung pag-abot mo ng tinapay sa masipag na construction worker sa kanto ninyo ay maaaring makabusog hindi lamang sa kanyang tiyan kundi maging sa kanyang kalooban.
Sana, sa lahat ng ating ginagawa, maliit man o malaki, may nakakakita man o wala, may God’s light always be evident in our lifestyle so that He may be glorified. Mula sa ating pananalita o sa simpleng tapik sa ating kapwa, maiparamdam natin ang pag-ibig ng Diyos sa kanila. Kaya naman, let us live our lives well!
LET’S PRAY
Dear Lord, check what’s in my heart. Tulungan po Ninyo ako na mamuhay ayon sa Inyong kalooban. May I be a living testimony of Your love and grace toward others. In Jesus’ name, I pray. Amen.
APPLICATION
I-download ang quote for this devotion at gawing wallpaper for the day. Be reminded that we ought to live our lives according to God’s purpose for us.
SHARE THIS QUOTE
