11

JANUARY, 2021

Share with family and friends

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Gutch Gutierrez

Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan.

1 Juan 5:21

Isa sa mga sikat na sikat recently sa social media, radio, at TV ay ang mga K-POP (Korean Pop) girl at boy groups tulad ng Black Pink at BTS. Nang mag-concert sila sa Pilipinas, talaga namang dinumog ng libo-libong tao ang concert venue at na-sold out agad ang tickets, kahit pa may kamahalan ito. Maraming tao ang umiidolo sa kanila, especially millenials.

Nakasanayan na nating tawaging “idol” ang mga taong sobra nating hinahangaan o mga taong gustong-gusto nating gayahin o panoorin dahil sa kanilang mga nakakamanghang talent o kaya naman ay kaakit-akit na itsura. Kaya nga hindi na nakakapagtaka na nauso rin kamakailan ang expression na “LODI” (binaligtad na IDOL).

Pero alam mo ba na sa Bible, ang ibig sabihin ng idol ay diyos-diyosan? Ito ay ang mga bagay, mga nakikita natin sa paligid, tao, o pangyayari na ipinagpapalit natin kay Lord. Masasabi nating may mga idol tayo kapag hindi na si Lord ang number one sa ating puso at kapag hindi na si Lord ang nakaupo sa trono ng ating buhay.

Minsan, hindi tayo aware na mayroon na pala tayong idols na ipinapalit kay Lord. Halimbawa, kapag ang naging priority natin ay puro pera na lang at masyado na tayong umaasa dito kaysa kay Lord, masasabi natin na nagiging idol na natin ang pera. Kapag mas marami na tayong oras na nauubos sa social media or cellphone at nawawalan na tayo ng time kay Lord at sa Kanyang Salita, masasabi nating idol na rin natin ang mga ito.

Ito ang reason bakit sinasabi sa Bible na: “Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan” (1 Juan 5:21). Kapag kasi nagkakaroon tayo ng idols, nakakalimutan natin si Lord. At imbes na si Lord ang ating sinasamba at minamahal, naibabaling natin sa mga idol ang ating affection at attention.

Tandaan natin na lahat ng bagay dito sa mundo ay magbabago at mawawala. At kung ilalagay natin ang tiwala at pananampalataya sa mga bagay na nagbabago, tayo rin ang maaapektuhan kapag nawala ang mga ito. Hindi masama ang humanga, pero mainam pa rin na maging conscious tayo sa mga bagay na pinaglalaanan natin ng oras, lakas, isip, at buhay natin. Si Lord Jesus talaga ang ultimate LODI nating lahat. Siya ang dapat nating ibigin nang buong puso, buong kaluluwa, at buong pag-iisip (Mateo 22:37).

Share this encouraging page to family and friends.

[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, Kayo ang tunay na nakakaalam ng pinaglalaanan ko ng oras, lakas, isip, at buong buhay. Tinatalikuran ko ang mga idol sa aking buhay na ginawa kong higit kaysa sa Inyo. Salamat sa inyong pagpapatawad. Muli kong isinusuko ang aking puso sa Inyo. Maghari Kayo sa akin. Kayo lamang ang aking sasambahin. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Araw-araw, pagmuni-munihan ang kabutihan ng Diyos. Look for verses that speak about His greatness, holiness, and goodness. Hayaan mong mapuno ka ng mga dahilan kung bakit ang Diyos ang dapat mong unahin sa lahat.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 10 =