24
JUNE 2021
Look Up!
Ikaw po ang Diyos namin ¼ Hindi namin kayang labanan ang ganito karaming hukbo. Hindi po namin alam ang aming gagawin. Sa inyo lamang kami umaasa.
2 Mga Cronica 20:12
Sa Old Testament, mababasa natin ang kuwento ni Haring Jehoshafat. Naging hari siya ng Judah at may malaki siyang problema. Tatlong kaharian ang nagkampihan at nagkaisang giyerahin ang kaharian niya (2 Cronica 20:1). Tatlo laban sa isa. Napakaraming kawal laban sa kakaunti. Ano nga naman ang laban niya?
Kung titingnan natin sa perspective ng tao, talo sila. Kung numbers ang basehan, wala silang laban dahil lamang na lamang ang kanyang mga kalaban. So anong options niya? Susuko na lang ba? Tatakbo at magtatago?
Ikaw, naranasan mo na bang ma-stuck sa isang sitwasyon na parang dead end na at imposible ka nang manalo? Maiisip mo siguro na sumuko na lang dahil wala nang pag-asa. Balikan natin si Haring Jehoshafat. Hindi siya sumuko. Nag-pray siya at sinabi niyang “Ikaw po ang Diyos namin ¼ Hindi namin kayang labanan ang ganito karaming hukbo. Hindi po namin alam ang aming gagawin. Sa inyo lamang kami umaasa” (2 Cronica 20:12).
Hindi sumuko si Haring Jehoshafat. Naalala niyang may Diyos siya na handang tumulong sa Kanya. Hindi siya nakipaglaban sa giyera. Nakipaglaban siya sa pamamagitan ng panalangin at pagsamba. Nag-pray siya at umawit ng papuri kay Lord! Dinala Niya kay Lord ang problema Niya. And guess what? Sinagot ni Lord ang prayer niya! “Huwag kayong matakot ni masiraan ng loob dahil sa maraming kaaway. Ang Diyos ang makikipaglaban at hindi kayo” (2 Cronica 20:15).
To cut the long story short, nanalo sila Haring Jehoshafat sa giyera! And it’s all because naalala niyang tumingin sa itaas at humingi ng tulong kay Lord. Kung may pinagdadaanan ka ngayon na parang imposible mong malagpasan, all hope is not lost. Huwag ka munang susuko. Hindi pa tapos ang laban. May pag-asa pa. Sa mga panahon na hindi mo na alam ang gagawin at kanino hihingi ng tulong, look up! Fix your eyes on Jesus. Bibigyan tayo ng Diyos ng tagumpay sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo (1 Corinto 15:57).
LET’S PRAY
Lord, thank You na hindi ako mag-isa sa mga laban ko. Salamat na kasama ko Kayo at hindi ako matatalo ng kalaban dahil walang imposible sa Inyo. Ipagtatanggol Ninyo ako. At kapag hindi ko na alam ang aking gagawin, remind me to look up to You. In Jesus name, Amen.
APPLICATION
Makinig sa praise ang worship songs at kumanta kasabay nito. Manalangin at magpuri kay Lord bago pa man magkaproblema. Sa oras ng problema, magtiwala sa Diyos. Ipag-pray mo rin ang mga kilala mong may pinagdadaanang suliranin.