15

MARCH 2026

Lord, Nakalimutan Mo ba Ako?

by | 202603, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Precious Marian Calvario

Ang sagot ni Yahweh, “Malilimot kaya ng ina ang sarili niyang anak? Hindi kaya niya mahalin ang sanggol niyang iniluwal? Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang anak, hindi ko kayo kakalimutan kahit sandali.”

Isaias 49:15

Isa-isa nang natutupad ang panalangin ng mga kaibigan at kakilala mo. Gusto mo namang maki-celebrate sa blessings na natanggap nila. Pero ang totoo, half-hearted ka dahil may kirot sa puso. Napapatanong ka ng, “Lord, nagse-serve naman ako sa Iyo. Sinusunod ko naman ang mga Salita Mo, pero ‘yung prayer ko wala pa ring sagot. Lord, nakalimutan Mo na ba ako?

The good news is that God has not forgotten you. Sa Bible, kapag may nabasa tayong, “God remembered …” hindi ibig sabihin nito ay nakakalimot ang Diyos. O naging distracted Siya o na-busy sa kakasagot  ng prayers ng iba. Kilala ng Diyos ang lahat Niyang nilikha (Hebrews 4:13). Hindi Siya tulad ng tao na makakalimutin at wala Siyang paborito. 

“God remembered …” means He is bringing a promise for Him to act on it because He is faithful. Hindi naka-depende sa mabuting gawa natin ang faithfulness ni God. Kaya naman “God remembered” these people and showed His faithfulness to them:

Naalala Niya si Noah at lahat ng nasa arko; umihip ang hangin at nagsimulang humupa ang tubig (Genesis 8:1) na tumapos ng baha.
Naalala Niya si Abraham kaya iniligtas Niya si Lot nang gunawin ang Sodom at Gomorrah (Genesis 19:29).
Naalala Niya si Rachel kaya pinakinggan Niya ito at nagkaanak siya ng isang lalaki kay Jacob (Genesis 30:2223).
Naalala Niya si Hannah na nagbuntis matapos sipingan ng asawang si Elkanah at lumaki ang bata bilang si propetang Samuel (1 Samuel 1:1920).

At higit sa lahat, “God remembered” His promise of salvation sa angkan ni Abraham sa pamamagitan ng pagdating ni Jesus Christ, His Son (Luke 1:5455).

Hindi ka nakalimutan ni God. Ang Diyos na tumugon kina Noah, Abraham, Rachel, Hannah, at lipi ng Israel ay ang parehong Diyos na tutugon sa iyo. Even if it seems like He is taking time to fulfill His promise, makakaasa ka na in His time, “God will remember.”

 

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa paalala na hindi Ninyo ako nakalimutan. Alisin po Ninyo ang tampo o inggit sa aking puso at makisaya sa answered prayer ng iba. Tulungan Ninyo akong magtiwala at maghintay sa katuparan ng Inyong pangako sa akin. Amen.

APPLICATION

Isulat mo ang isang situation na gusto mong mabago, then add a prayer of surrender.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 15 =